Chapter 13

14.7K 328 8
                                        


"YES, MA'AM. Mr. Fierro is expecting you," nakangiting sabi kay Tipper ng receptionist ng hotel kung saan daw naka-stay si Algernon, ayon kay Margot. Kagabi lang daw dumating sa bansa ang lalaki. Sinabi sa kanya ng receptionist ang suite number ni Algernon.

"P-puwede na akong umakyat?" tanong niya, hoping against hope na pagbawalan siya ng receptionist. Parang hindi niya kayang ihakbang ang mga paa patungo kay Algernon.

Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ng lalaki kung saan siya nagtatrabaho. A man of his caliber probably had more clout than the president. Ang ikinatatakot niya ay ang posibleng dahilan kung bakit gusto siya nitong makausap.

Si Conchita.

Tumawag pa ng isang bellman ang receptionist para samahan siya sa suite ni Algernon. Nagulat siya nang makita ang reflection niya sa salamin sa elevator. Para siyang multo sa sobrang pamumutla. Walang nagawa ang makeup, nagmukha siyang patay sa ataul. Halos hindi na rin yata siya humihinga. At nang bumukas sa isang palapag ang elevator at may bumabang foreigner, parang gusto na rin niyang sumunod doon at huwag nang magpakita kay Algernon.

Pero nanatili siya sa elevator hanggang sa bumukas iyon sa palapag kung saan nandoon ang suite ng kinatatakutan niya—pero pinananabikan din niyang makita. Inamin na niya iyon sa sarili kaninang nasa taxi pa lang siya. As much as she dreaded this meeting, she was also excited about it.

Iyon ang sanhi ng katakot-takot niyang kaba.

"This way, Ma'am," anang bellman.

Sumunod si Tipper dito hanggang sa huminto ito sa harap ng isang double door at kumatok sa pamamagitan ng brass knuckle sa pinto. Nang marinig niyang may pumihit sa doorknob, halos himatayin na siya. She just willed herself to remain standing kahit pa parang nalulusaw na ang mga binti niya.

Bumukas ang pinto and she gasped. Pero wala siyang nakitang tao. Basta lang bumukas ang pinto. Sumenyas ang bellman na pumasok na siya; natutukso na siyang isama ito sa loob at huwag paalisin.

"S-salamat," anas niya, nagtaka kung bakit may lumabas pang tinig sa bibig. Her throat was so dry, and she was sweating profusely; she was also shaking. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa handle ng handbag. Huminga siya nang malalim at humakbang papasok sa silid.

Sala ang nabungaran niya; bukas ang terrace door, sumasayaw sa hangin ang kurtina; makapal ang carpet na beige; dark green at gold ang kulay ng furniture; may huge flower arrangement sa corner table. Sa terrace mismo ay may pinapalamig na champagne, may dalawang flute glasses, and—roses.

Lalo siyang natakot nang makita ang arrangement na iyon. Pero naging dahilan din iyon para i-compose niya ang sarili. Kung iniisip ni Algernon na mase-seduce uli siya nito sa pamamagitan ng champagne and roses, nagkakamali ito. She was older, wiser, at higit sa lahat, nanay na siya. Kailangang maging matapang siya at matatag alang-alang kay Conchita. Kung balak ni Algernon na kunin sa kanya ang anak niya, mabibigo ito.

"Close the door, will you? Lalabas ang lamig," anang tinig buhat sa katabing bedroom—na nagpaigtad sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang tinig na iyon. Narinig na niya iyon in all its form: mataas, mababa, normal, pabulong, paungol.

Isinara niya ang pinto at sumandal doon. Pakiramdam niya, hihinto sa pagtibok ang puso niya anumang sandali.

"Well, well, there you are!" sabi ni Algernon nang lumabas mula sa bedroom. Basa pa ang buhok nito at nakasuot ng makapal na robe. Wala itong sapin sa mga paa, may hawak na dalawang rock glasses na may lamang alak.

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon