Chapter 16

14K 320 4
                                    


SI MARGOT pa rin ang sumundo kay Tipper sa istasyon ng pulisya at naghatid sa kanya sa unit.

Alas-siyete ng gabi nang tumunog ang cell phone niya.

"Tipper?" anang tinig ng lalaki sa kabilang linya.

"Algernon!" bulalas niya at napahagulhol. She felt so guilty. Kung sana, pumayag na lang siyang ipakilala ito sa anak nila, hindi na sana makikidnap si Conchita.

Pero bigla siyang natigilan. "P-paano mo nakuha ang number ko?"

"Does it matter? Someone wants to say 'hi' to you," anang lalaki and she heard sounds and then the most precious sound of all.

"Mommy, hello?"

She fainted.

"I NEED a plane! I need a plane!" talak ni Tipper kay Margot nang magkamalay siya at sabihin nito sa kanya ang gusto ni Algernon. Kung gusto pa raw niyang makita si Conchita, puntahan niya ang mag-ama sa Tranquility Island.

"I'm looking for one. Calm down, please," sabi ni Margot habang nagda-dial sa telepono. Nakinig ito sa awditibo, pagkatapos ay kinausap nito ang sumagot doon.

"Hayup siya! Ninakaw niya ang anak ko! Pero paano niya nalaman kung nasaan kaming mag-ina? Ganoon ba siya kaimpluwensiya? Lahat ng nangyayari sa paligid niya, alam niya? Hindi man lang ba niya inisip na puwede kong ikamatay ang ginawa niya?" Palakad-lakad si Tipper sa buong sala habang nakikipagnegosasyon si Margot sa kausap.

Finally, ibinaba ni Margot ang telepono. "Okay, you have a plane. I'm gonna pay for it, pero singilin mo si Algernon, ha? It's expensive!"

"kailan ako aalis? Ngayon na?"

"Sure. Let's go. Just pray for a nice weather. Doble ang ibinayad ko dahil gabi na," sabi ni Margot.

Wala siyang pakialam doon. Dinampot niya ang bag at nauna nang lumabas. "Maraming-maraming salamat, Margot. Tatanawin kong utang-na-loob sa 'yo habang-buhay ang lahat ng ito," sabi niya nang maihatid siya nito sa isang airstrip. Naghihintay ang maliit na eroplanong maghahatid sa kanya sa isla.

Ngumiti ang babae. "I told Algernon where you are, Tipper," sabi nito.

"Ano 'kamo?"

"Akala ko naman kasi, pupuntahan ka lang niya at kakausapin. Akalain ko ba namang iba ang balak niya."

"B-bakit—?" anas ni Tipper, hindi malaman kung maghihinanakit o hindi.

"Nakiusap siyang sabihin ko sa kanya kung nasaan ka. Nahalata naman yata niyang may alam ako, hindi na ako nakatanggi. I'm sorry but—"

"But—?"

"All right, he promised to guest in my show," sabi ni Margot. "Together with the brother, Alberto. We missed him, don't we?"

"Shit!" usal na lang niya at bumaba na ng kotse.

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon