Part 1

5 0 0
                                    

                                               Magsisimula ang istorya sa PNPA.

                                               Makikitang magkasamang nagti-training si Junie at si Gerard na kapwa bagito pa. Palagi silang napapagalitan at madalas tampulan ng tukso sa kanilang Batch. Sapagkat panay walang ideya sa kani-kanilang ginagawa.

                                               Napilitan lang kasi si Junie na tuparin ang hiling ng retiradong pulis na ama na may sumunod sa kanyang yapak. Dahil ang kanyang Kuya Conrad ay hindi sumunod at sa halip ay nag-dentist.

                                               Palibhasa'y si Junie ay likas na matapang. Kaya agad naman siyang napapayag ng ito'y hilingin sa kanya.

                                               Samantalang si Gerard naman ay wala lang talagang ideya kung ano ang gusto sa buhay. At na-engganyo lang na pumasok sa training dahil naisip niyang magiging proud ang kanyang Mama Faustina kapag nakatapos siya.

                                               Madalas na nagkakatinginan na lang sila kapag napapagalitan. At napapakamot pa ng ulo. Habang pinagtatawanan ng kanilang mga ka-Batch.

Sgt. Guillermo: "Hoy, kayong dalawa! Isang taon na kayo dito, ah?! Wala ba kayong gagawing matino?!"

Insp. Gatmaitan: "Asa pa 'tong dalawang 'to na maka-graduate sila! Hoy! Magpapaputol ako kapag grumaduate talaga kayo!!!!!"

                                              Sabay tawanan.

                                              At makikisabay na din ang mga ka-batchmate nila.

                                              Imbis na panghinaan ng loob ay lalong nagpursige si Junie. At siyempre ay gayundin si Gerard na halos Ate na ang turing sa kanya. Pareho nilang inangat ang isa't-isa para maiba ang tingin sa kanila ng mga ka-batchmate nila.

                                              Unti-unti ngang napansin ang pagbabago sa kanila. Kaya unti-unti na ring nawala ang tawanan at hagalpakan. At napalitan na ito ng hiyawan at palakpakan.

                                              At sa araw na pinakahihintay ng lahat ay pareho silang tumapak sa entablado para tanggapin ang kani-kanilang mga diploma.

                                              Hindi man sila ang lumabas na pinakamagaling sa Batch nila ay tuwang-tuwa naman silang niyakap at tinanggap ng mga pamilya nila.

                                               Pauwi na sana sila. Pero nagpalingon-lingon pa si Junie. Dahil hinahanap niya sila Sgt. Guillermo at Insp. Gatmaitan na umpisa palang ay pinagtatawanan na silang dalawa ni Gerard.

                                               Subalit hinatak na si Junie ng Mama Vicky niya para makauwi na sila. At may inihanda silang sorpresa sa kanya. Kasama siyempre si Gerard at ang Mama Faustina niya.

My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon