Part 5

1 0 0
                                    

Kinaumagaha'y maagang nagbangon si Junie.

Palibhasa'y hindi sanay sa kanyang bagong k'warto.

Lalapitan niya ang mga kasambahay para makipagk'wentuhan.

Junie: "Good morning po."

Maid Anna: "Good morning, Iha."

Maid Mimi: "Good morning."

Maid Wilma: "Good morning. Bakit ang aga mo namang nagising? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?"

Junie: "Hindi po masyado, eh. Namamahay po yata ako. Maliit lang po kasi ang k'warto ko sa bahay namin, kaya naninibago po ako. Saka sanay po kasi ako sa ingay ng paligid sa amin. Eh, napakatahimik po dito."

Maid Wilma: "Magkape ka muna."

Junie: "Sige po."

Maid Mimi: "Ilang taon ka na po, PO1 Marcelo?"

Junie: "24 lang ako."

Maid Mimi: "Matanda lang pala ako sa'yo ng mga 2 years. P'wede mo akong tawagin na Ate Mimi kung gusto mo."

Junie: "Sige po, Ate Mimi."

Maid Anna: "Balita ko nasabon ka kahapon nina Sir at Mam?"

Maid Wilma: "Hindi naman nasabon. Tinanong lang ng tinanong."

Maid Mimi: "Naku, 'yan talagang si Ms. Margie. Ang hirap intindihin ng mga trip."

Maid Wilma: "Magtigil ka nga d'yan. Baka may makarinig sa'yo."

Maid Mimi: "Sino namang makakarinig? Eh, tayo-tayo palang ang gising?"

Maid Anna: "Nakalimutan mo bang tadtad ng CCTV Camera ang bahay na ito? Ikaw talaga! Napakatabil ng dila mo! Umayos ka!"

Magugulat sila sa paglapit ng mga Driver ng mga Benitez.

Driver Jim: "Oh, anong pinag-uusapan n'yo d'yan?"

Driver Silas: "Ang aga-aga, nagtsitsismisan na naman kayo."

Driver Mike: "Oh, gising na pala si PO1 Marcelo. Aba'y pakainin n'yo ng almusal."

Nangangapa pa si Junie sa pakikisama sa kanila. Pero mukhang hindi naman siya mahihirapan at mababait naman ang mga kasambahay ng Benitez Family.

Kinatanghalian ay niyaya si Junie ni Margie na maggala.

Kung saan-saan sila nagpunta at halos mahilo na si Junie kakasunod kay Margie. Halata namang pinipikon siya nito. Pero chill lang si Junie. Hindi siya nagpapadala sa obvious naman na pang-aasar sa kanya nito.

Halata na sa mukha ni Junie ang pagkainis. Pero cool lang siya. Palinga-linga na lang sa paligid. At nagpo-focus sa pagbabantay kay Margie.

Nang maggagabi na ay inakala ni Junie na uuwi na sila para magpahinga. Subalit dumiretso pa sila sa isang Bar na kung saan ay kikitain ni Margie ang ilan sa mga kaibigan niya.

Napakaingay at napakausok ng Bar na 'yun. Kaya lalong nairita si Junie. May ngitngit na siya dahil maghapon na siyang napagod.

Napaupo na lang siya sa isang sulok para sandaling makapagpahinga. Samantalang si Margie naman ay pasayaw-sayaw pa habang kinakausap ang dalawa niyang kaibigang foreigner.

Makakatulog na sana sa pagod si Junie. Nang bigla siyang lapitan ni Margie para ipakilala sa mga kaibigan niya.

Margie: "Look, this is my new Bodyguard. PO1 Joanna Marcelo. Say hi, PO1 Marcelo."

Junie: "Good evening."

Jeffrey: "Good evening. How was your day?"

Franceska: "Come on, have fun."

Mapapangiti na lang si Junie.

Nang mawala na sa kanya ang atensyon ni Margie ay dahan-dahan siyang lumayo para umupo sa sulok.

At nakatulog na nga siya sa paghihintay sa kanila.

Maalimpungatan lang ng gisingin ng isang waiter dahil malapit ng magsara ang Bar.

Magpapalinga-linga siya para hanapin si Margie. Iikutin ang Bar.

Sa may hagdanan niya makikita si Margie na nakasubsob na at nalasing na.

Hahanapin niya ang mga kaibigan ni Margie para magpatulong. At saka isasakay na sa sasakyan para iuwi.

Driver Jim: "Oh, nasobrahan na yata si Ms. Margie?"

Junie: "Pakibilisan na lang po at ng makapagpahinga na po siya sa kanila."

Driver Jim: "Bakit hindi mo pinigil? Buti na lang at wala ngayon sa bansa sila Sir at Mam. Kung hindi ay pareho tayong malalagot kapag nakita nila si Ms. Margie na lasing."

Kinabahan si Junie.

Junie: "Kuya, masesesante ba ako kapag nagkataon?"

Driver Jim: "Aba, iha. Baka hindi lang 'yan ang abutin mo."

Junie: "Sige po, pakibilisan na lang po."

Pagdating na pagdating nila ay hindi magkanda-ugaga ang mga maid sa pag-aasikaso kay Margie.

Kung anu-anong sama ng loob ang sinasabi niya. Kaya nag-alala si Junie sa kanya.

Margie: "Tell me, PO1 Marcelo. Am i too bad? Why does my parents doesn't recognize all my efforts? Why can't they allow me to do what i obviously want in my life? I let them dictate my life for so many years. But now that i want to live by myself. They don't even allow me. Why, PO1 Marcelo? Why?"

Hindi makasagot si Junie.

Ang totoo'y wala naman siyang naiintindihan sa mga sinasabi ni Margie. Dahil ngayon lang naman sila nagkakilala.

Hindi din agad nakatulog si Junie dahil iniisip ang mga sinabi ni Margie. Pero magdedesisyon na ding matulog dahil grabe ang naging pagod niya sa buong araw.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon