Part 4

2 0 0
                                    

                                          Si Junie ngayon ay nasa harap na ng Mansyon nila Margie. Natutulala. Napapaisip kung tutuloy pa ba o tatakas na lang.

                                        Kakausapin ang sarili.

Junie: "May sira yata sa ulo itong sosyal na ito. Ano bang nakita niya at kinuha-kuha akong Bodyguard? Pinagti-tripan lang yata ako, ah? Hmm?"

                                      Urong-sulong siya kung pipindutin ang doorbell ng gate ng Mansyon. O kakaripas na lang ng takbo.

                                      Aligagang tatalikod at akmang tatakbo na sana. Nang biglang bumukas ang gate.

Margie: "Oh, what are you doing there? Kanina ka pa ba? Tara! Feel free. This is your place now."

                                     Aakbayan siya ni Margie papasok. Habang pinapakita ang kabuuan ng kanilang Mansyon.

                                     Manlalaki naman ang mga mata ni Junie.

                                     Pero mapuputol ang pagkamangha niya at mapapatanong na ng husto kay Margie.

Junie: "Excuse me po. Mawalang-galang na po. Matagal ko na po itong gustong tanungin, eh. Ano po bang nakita ninyo sa akin? I mean. PO1 palang po ako. Walang masyadong experiences & skills. Alalay nga lang po ako sa Caloocan Police Headquarters, eh. So, bakit? Ano po ba ito? Trip? Kasi kung trip lang po ay huwag na po nating ituloy. Kasi sayang po, eh. Sayang sa oras at sa pera. For sure na mas makakahanap pa po kayo ng mas deserving kaysa sa akin."

                                   Napapangiti lang si Margie. Iniisip ang pag-ticket na ginawa sa kanyang sasakyan.

Margie: "Oh, no. Ikaw talaga ang gusto kong maging Bodyguard. Ate Wilma! Show her where she can put all her belongings. Para ma-discuss ko na sa kanya ang mga rules & regulations sa bahay na ito at ang magiging trabaho niya. Hurry!"

Maid Wilma: "Ok po, Ms. Margie."

                                   Uusisain ni Junie ang Maid.

Junie: "P'wede po bang magtanong?"

Maid Wilma: "Sige, anak."

Junie: "Matagal na po kayo dito?"

Maid Wilma: "Aba, oo naman. Dalaga pa ang Mama ni Ms. Margie ay maid na nila ako."

Junie: "So, kilalang-kilala n'yo na po pala si Ms. Margie?"

Maid Wilma: "Aba, hindi lang kilala. Isa yata ako sa nag-alaga d'yan. Kaya ngayon palang ay binabalaan na kita na magpasensya ka sa ugali niya. Nag-iisa kasing anak. Lumaki na sunod sa layaw. Sa Australia pa nakapagtapos, kaya kakaiba talaga ang ugali. Hindi kagaya sa ating mga Pilipina na mahinhin. Hay naku 'yang batang 'yan. Akala mo santa pero napakamaldita."

                                      Napaisip ng husto si Junie.

                                      Napapangiwi.

                                      Medyo hindi siya nakikinig habang nagsasabi si Margie ng mga rules & regulations dahil panay pa din ang isip niya.

Margie: "So, ano? Got it?"

                                      Mapapatungo na lang.

Margie: "So, bakit hindi ka pa magpalit ng damit?"

Junie: "Po?"

Margie: "I mean. Is that what you want to look? So simple. Kailangan mong maayusan. Tara!"

My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon