Part 8

1 0 0
                                    

Kinabukasa'y maagang magigising si Junie para mag-jogging.

Sakto namang pagbaba niya ng bahay nila ay nasa tapat pala ang childhood crush niyang si Jhude at nag-aabang ng trycicle na masasakyan para pumasok sa kanyang trabaho.

Mapapatago si Junie sa may pintuan.

Lihim na mapapasulyap.

Lalong lumalabas ang kag'wapuhan ni Jhude habang tumatanda.

Kung hindi nga lang sa ito'y napakatahimik, nerdy at NGSB.

Patuloy lang sa pagsulyap si Junie, hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.

Kilig to the bones si Junie.

Waring ngayon pa lang nagdadalaga.

Pati sa pagja-jogging ay dala-dala pa din niya ang pagkakilig. Kaya agad itong mapapansin ng bakla niyang kaibigan na si Ricky ng mapadaan siya sa Parlor nito.

Ricky: "Ano 'yan, bakla? Kilala ko ba ang dahilan ng mga ngiti na 'yan?"

Junie: "Me'ron pa bang iba? Wala namang bago."

Ricky: "Ligawan mo na kasi. Para hindi ka tumandang dalaga."

Junie: "Hoy, dalagang Pilipina ako! Huwag kang ganyan!"

Ricky: "Walang mangyayari sa pagiging Maria Clara mo! Irampa mo iyang beauty mo!"

Junie: "Siraulo ito! Hoy, babae ako! Hindi ako bakla! Ikaw talaga! Palibhasa, gawain mo! Ano, may napala ka ba sa panliligaw mo sa mga basketball player ni Mayora?"

Ricky: "Hoy, ibahin mo ako! Mabenta itong beauty ko dito!"

Junie: "Eh 'di, sige! Ikaw na!"

Hindi na siya sasabayang mag-jogging ng kaibigan niyang bakla. Kaya didiretso na siya sa Clinic ng kanyang Kuya Conrad.

Maaabutan niya itong nag-aayos at naglilinis sa Clinic dahil wala pang costumers na dumarating.

Gugulatin niya ito sa pamamagitan ng pagkiliti sa tenga.

Junie: "Kuya! Kamusta?!"

Magugulat ito.

Kaya sandaling mapapatulala.

Conrad: "Bunso, ikaw ba talaga 'yan?"

Junie: "Hindi po, kuya! Si Maja Salvador po talaga ito!"

Conrad: "Eh 'di, wow! Ikaw na ang mukhang artista!"

Junie: "Oo na! Oh, ano? May maitutulong ba ako dito?"

Conrad: "Teka nga! Ano bang ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Wala ka na bang trabaho?"

Junie: "Nagbabakasyon lang po, kuya. Alam mo naman. Nakaka-stressed din pala talagang maging bodyguard ng anak ng isang pulitiko. Lalo na si Ms. Margie. Kakaiba ang ugali. Spoiled brat nga, sabi ng mga maid nila doon."

Conrad: "Eh, kinakawawa ka naman ba? Sabihin mo lang at susugudin namin 'yan nila Mama at Papa!"

Junie: "Ito naman si kuya! Gusto mo bang ma-T.V. ka? Eh, tadtad nga 'yung Mansyon nila ng CCTV Camera! Ultimong kasuluk-sulukan ay may nakatagong camera. Parang takot na takot talaga na may makapuslit na daga doon sa kusina nila."

Conrad: "Sakit na talaga 'yan ng mayayaman, bunso. Sanayin mo na ang sarili mo."

Junie: "Ewan ko ba, kuya! Naaalibadbaran ako sa kaartehan nila sa katawan."

Tatapikin siya ng kuya niya sa likod bilang tugon.

Hindi siya magtatagal sa Clinic ng kuya niya dahil magpapatuloy pa siya ng pagja-jogging.

Sasadyain niya ang tindahan ni Aling Ising sa kanto para makipagk'wentuhan. Kagaya ng madalas niyang gawin ng bata pa siya.

Matandang dalaga si Aling Ising. At parang sariling anak ang turing sa kanya. Kaya madalas talaga siyang tumambay sa tindahan nito.

Malayo pa lang siya ay naaninag na siya nito. Kaya tuwang-tuwa itong sumalubong sa kanya.

Aling Ising: "Aba't nandito pala ang Junie ko. Kamusta ka na? Hindi ka naman ba nahihirapan sa trabaho mo?"

Junie: "Ayos lang po ako. Kayo po ang kamusta? Hindi naman po ba kayo inaatake ng rayuma? Kamusta po ang pakiramdam ninyo?"

Aling Ising: "Ayos naman ako. Halika nga dito at ng mayakap kita."

Yayakapin siya nito ng mahigpit. Sabay halik sa magkabilang pisngi.

Talagang pinanggigilan siya.

Masayang-masaya si Junie dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita uli ni Aling Ising. Kaya nagpagabi siya doon bago umuwi.

Tumulong pa kasi siya sa tindahan nito.

Mga pamangkin lang kasi ang katulong ni Aling Ising sa pagtitinda.



My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon