Part 7

1 0 0
                                    

Unti-unting nakita ni Junie ang mga hindi kagandahang pag-uugali ni Margie. Lalo na't palaging wala sa Pilipinas ang mga magulang niya. Kung hindi nama'y naka-out of town pa.

Akala ni Junie ay medyo magbabago si Margie ng dumating sa Pilipinas ang "Personal Yaya" nito na si Yaya Nanette. Pero mukhang konsintidor pa ito.

Naisasama din siya ni Margie sa mga personal na lakad nito. Kaya nagagawa pa rin niya ang tungkulin niya.

Tila tumama sa lotto ang mukha niya, ng sa wakas ay payagan siya ni Margie na sandaling umuwi sa kanila.

Dumiretso agad si Junie sa kanilang bahay.

Doo'y madadatnan niya ang pamilya niya na kagaya pa din ng dati.

Ricky: "Hoy, bakla! Kailan ka pa dumating?"

Junie: "Ngayon-ngayon lang. Ikaw, kamusta na? 'Yung mga suki mo sa Parlor?"

Ricky: "Ayun. Ok lang."

Junie: "Anong ok lang? Tingnan mo itong baklang ito. Hindi magsabi ng maayos."

Papanhin pataas.

Sasalubungin si Junie ng kanyang ina.

Nanay Vicky: "Aba, si Junie nandito na."

Yayakapin siya nito ng mahigpit.

Tatay Hubert: "Oh, kamusta na ang anak kong nagmana sa akin?"

Junie: "Ayos lang po ako, 'Tay."

Tatay Hubert: "Aba't kasama mo na naman pala itong si Ricky."

Ricky: "Rea po, 'Tay."

Tatay Hubert: "Ah, Rea ba? Wala pa namang gabi, ah? Dapat Ricky."

Ricky: "Si Tatay Hubert naman."

Makikita ni Junie ang mga alaga niyang pusa at agad siyang mapapatakbo palapit para pagyayakapin ang mga ito.

Junie: "Kamusta ka, Percie? Why so taba? Oh, Rupy. Why so cute?"

Nanay Vicky: "Inalagaan namin sila ng todo habang wala ka."

Tatay Hubert: "Bakit nga pala nandito ka? Nasaan na 'yung amo mo? Pinayagan ka ba o tumakas ka?"

Junie: "Siyempre, pinayagan ako, 'Tay. Oh, wala pa si Kuya Conrad?"

Tatay Hubert: " 'Yung kuya mo? Huwag mo ng hanapin at abala na masyado sa Clinic n'ya 'yun."

Junie: "Ah, sige. Puntahan ko na lang po bukas."

Nanay Vicky: "Bakit, magtatagal ka ba dito, anak? Hindi ka ba hahanapin ng amo mo?"

Junie: "Binigyan n'ya po ako ng apat na araw na bakasyon. Huwag po kayong mag-alala."

Mapapasilip si Junie sa may bintana.

Ricky: "Oh, sino na naman iyang inaabangan mo d'yan? Si Papa Jhude ba?"

Junie: "Huwag ka ngang maingay d'yan. Baka marinig ka nila. Teka, kamusta na ba siya?"

Ricky: "Naku, naku. Ang lola mo, nagdadalaga. Ayun. Tahimik pa din. Alam mo naman 'yan. Hindi makabasag-pinggan. So, ano? Hanggang sulyap ka na lang talaga?"

Junie: "Anong ibig mong sabihin d'yan?"

Ricky: "Lapitan mo na kasi. Sige ka, tatanda kang dalaga kakasulyap d'yan sa boylet na 'yan."

Junie: "Ano ka ba! Wala pa akong planong mag-asawa. Tumigil ka d'yan! Tutuparin ko pa ang mga pangarap sa akin ng pamilya ko."

Ricky: "Naku, kung makaarte naman. Gustuhin din."

Junie: "Tigilan mo na nga ako."

Pero sulyap pa din ng sulyap.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon