Part 10

1 0 0
                                    

Ilang araw din niyang pinagbulay-bulayan ang mga sinabi ni Margie.

Maging sa pinuntahan nilang pictorial ni Margie ay malalim pa din ang iniisip ni Junie.

Pagkatapos ng pictorial ay didiretso sila sa Bar na pinupuntahan na noon pa ni Margie.

Maingay

Mausok

Matao

Wala namang pinagbago sa Bar na 'yun.

Nasa sulok na naman si Junie at nagmamasid lang sa paligid.

Kagaya ng dati ay kausap na naman ni Margie ang mga kaibigan niyang Amerikano at Amerikana na sila Jeff at Franceska.

Pero parang may mali.

Pare-pareho na silang lasing. Kaya nagkakainitan na.

Magkakahalu-halo ang mga tao sa loob ng Bar.

May mga umaawat at may mga natutuwa pa sa nangyayaring away, habang nanonood.

Pipiliting lumapit ni Junie. Pero masyadong makapal ang mga tao. Kaya nahihirapan siyang makalapit kay Margie.

Para siyang isang basura sa dagat na pinaalon-alon ng mga nakikiusyosong tao.

Hanggang sa maalala niyang Bodyguard nga pala siya.

May dala nga pala siyang baril.

Mapapaurong siya.

At saka magwa-warning shot.

Mapapaurong ang mga nakikiusyosong mga tao.

Malalapitan na niya si Margie at mahahatak para papuntahin na sa sasakyan at ng makauwi na sila.

Driver Jim: "Oh, anong nangyari kay Ms. Margie?"

Junie: "Dali po! Paandarin n'yo na po!"

Wala ng tanong uli na mapapaharurot sila pauwi.

Kalagitnaan palang sila ay biglang magsisisigaw si Margie para pahintuin ang sasakyan.

Sabay baba.

Sasabayan naman siya ni Junie para sundan.

Biglang mapapaupo si Margie sa gilid ng kalsada na parang bata.

Junie: "Ms. Margie, huwag po kayong umupo d'yan! Baka mapa'no po kayo!"

Margie: "Leave me alone! Just leave me alone!"

Titingnan siya ni Junie na sobrang alalang-alala na sa kanya.

Iyak na ng iyak noon si Margie.

Uupo si Junie sa tabi niya.

Isang oras ding umiiyak si Margie, ng tila mapagod at natahimik ng napakatagal.

At biglang nagsalita.

Margie: "Why? Tell me, PO1 Marcelo. Where can i find happiness?"

Junie: "Ms. Margie. Simple lang sa aming mahihirap maging masaya. Pero mahirap po 'yun ipaliwanag sa inyo."

Margie: "Bakit mahirap? Tell me. Can you please explain it to me?"

Mapapaisip ng malalim si Junie.

Papaano mo nga ba maipapaliwanag sa taong halos nasa kanya na ang lahat ang simple, subalit totoong kasiyahan?

Margie: "You can't? Then at least, show me!"

Junie: "Isa lang po ang alam kong source ng happiness, Ms. Margie."

Margie: "Then, show it!"

At sa wakas ay mapapapayag uli si Margie na sumakay na sa kanyang sasakyan.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon