Part 13

1 0 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw bago nakampante si Junie sa pagtawag-tawag sa kanya ni Margie na kaibigan siya nito.

Unti-unti'y napalitan ang nararamdaman niyang awa ng pagmamalasakit.

Pagmamalasakit ng isang kaibigan.

Nagtagal pa doon ng kaunti si Margie. Kaya dumami na ang mga nakakapalagayan niya ng loob.

Maging ang mga magulang ni Junie ay ayos na din ang pakikitungo sa kanya. Anupa't nagmukha na nga silang kambal dahil palaging nagkakasama sa kung saan-saan.

Nang malapit ng bumalik sa kanilang Mansyon ang mag-asawang Benitez, ay kinailangan na ding magpaalam ni Margie sa lugar na iyon.

Hindi na nahirapang magpaalam sa kanya ang mga tagaroon. Dahil alam naman nila na darating talaga ang araw ng kanyang pag-alis.

Aalis ma'y babalik si Margie sa kanila na alam na alam na kung ano ang tunay na HAPPINESS sa buhay.

Balik na naman sa dating buhay si Margie. Pero hindi sa dating gawi.

On time lang ang dating nila ni Junie sa Mansyon ng mga Benitez.

Sasalubungin sila ng Guard na si Mang Berting na hindi nawawala ang ngiti.

Nasa unahan ng mga maid si Yaya Nanette na alalang-alala masyado sa alaga niyang matagal-tagal ding nawala.

Padidiretsuhin niya sa k'warto nito si Margie para kausapin.

Samantalang magkik'wentuhan na naman ang mga maid at si Junie na sabik na sabik na sabihin ang kanyang mga binaong k'wento.

Gabi na ng dumating sa Mansyon si Sen. Benitez at si Mrs. Benitez na halatang napagod sa b'yahe. Kaya nagmamadali ng magpahinga.

Hindi na 'yun pinansin ni Margie dahil sanay na siya. Kaya yayayain na lang niya ang mga maid na manood ng pelikula sa Studio Room ng Mansyon.

At s'yempre ay nandoon din si Junie na nauna pang sumalampak sa sahig.

Habang nagpapahinga na sila Sen. Benitez at Mrs. Benitez ay naghanda ng mini party si Margie. Pero tahimik lang para hindi magising ang mga magulang niya.

Kinabukasa'y, sabak agad sa trabaho sa opisina nila si Margie.

Ang opisina'y isang organisasyon na binuo mismo ni Mr. Benitez para sa pagtulong sa mga mahihirap na manggagawa sa kanilang lipunang nasasakupan.

Bihira lang gumala doon si Margie. Kaya nagulat ang ilang volunteer na asar na asar sa kanya.

Ang iba'y may mga lihim pang galit sa kanya.

Napa-plastikan ang mga ito sa pinapakita niyang kagandahang-loob. Kaya lihim silang gagawa ng masamang plano laban sa kanya.

Walang kaalam-alam dito si Junie. Dahil wala pa siyang isang taon bilang Bodyguard ni Margie.

Napadalas ang pagbalik-balik ni Margie sa naturang opisina. Kaya ng makahanap ng t'yempo ang mga volunteer na asar na asar sa kanya, ay agad siya nilang hinablot at piniringan.

Dinala siya ng mga ito sa isang may kalayuang bahay-panuluyan.

Naisip ng mga ito na gawin siyang bihag para sila'y makahingi ng ransom money kay Sen. Benitez.

Walang kamalay-malay si Junie na nagkatotoo na pala ang kinatatakutan nila.

Ang ma-kidnap si Margie.

My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon