Part 16

1 0 0
                                    

Kinakausap na noon ni Junie ang kaibigang si Gerard sa cellphone niya. Nang magulat sa pagdating ng humaharurot na motor na sinasakyan ni Margie.

Mabababaan niya ng cellphone si Gerard. At dali-daling tatakbo papalapit kay Margie.

Junie: "Ms. Margie! Anong nangyari sa inyo? Akala ko'y na-kidnap ka na?!"

Margie: "Junie, relax! Nandito na nga ako, oh! Calm down!"

Junie: "Pero pinaghahanap ka na ng mga pulis!"

Margie: "Wait! Sinabi mo ba kila Mom at Dad na nawawala ako?"

Junie: "Naku, hindi po! Promise! Tinago ko po sa kanila!"

Margie: "Good! So, just call the policemens and go tell them na ok na ako."

Junie: "Po? Eh, paano na po 'yung mga nag-kidnap sa inyo?"

Margie: "Never mind them. Tinuruan ko na sila ng leksyon."

Junie: "Ha?"

Margie: "Ok, papasok na ako sa loob."

Junie: "Pero, Ms. Margie. Hindi ba kayo magpapalit ng damit n'yo?"

Mapapatingin sa itsura niya.

Margie: "Oh, my God! Ang baho ko pala!"

Junie: "Teka, tatawagan ko po si Yaya Nanette para maayusan po kayo!"

Margie: "Great! Hurry up!"

Sa madaling salita'y natapos ang gabing iyon na hindi napagalitan si Junie sa pagkaka-kidnap kay Margie. Dahil wala namang ibang nakaalam.

Patagong ipinahanap ni Margie sa mga pulis ang mga volunteers na kumidnap sa kanya. Na agad din namang nahuli. Dahil ang mga pagkakakilanlan ng mga ito'y nasa opisina pa nila Margie.

Balik na sana sa dati ang mga buhay nila.

Pero isang araw ay nagpatawag ng meeting si Sen. Benitez at si Mrs. Benitez. Including lahat ng empleyado sa kanilang Mansyon.

May kasama silang isang Amboy na balak nilang maging fiancee ni Margie.

Si Ashton.

Sa unang pagkikita palang ay hindi na siya type ni Margie.

Kaya walk out ang drama niya.

Pero iba ang tingin ni Ashton kay Junie.

Naasiwa naman si Junie.

Kaya sinundan niya si Margie.

Junie: "Ms. Margie, bakit po kayo umalis? G'wapo naman po 'yung fiancee n'yo, ah?"

Margie: "FYI! Hindi ko siya fiancee! Sila Mom at Dad lang ang may gusto sa kanya!"

Junie: "Dapat kilalanin n'yo po kaya muna siya?"

Margie: "Junie! Hindi ka dapat nagpapadala sa kag'wapuhan ng Ashton na 'yun! Remember? Laki ako sa Australia! Kaya madami na akong alam sa mga kagaya niyang laki sa ibang bansa."

Junie: "Ok. Kayo ang bahala."

Simula noo'y madalas ng napupunta si Ashton sa Mansyon ng mga Benitez.

Hinaharap naman siya ni Margie.

Sa bawat pagpunta nito'y palagi itong may dalang flowers, chocolates at kung anu-ano pa.

Minsang nakatayo si Junie sa 'di kalayuan sa inuupuan ni Margie at ni Ashton. Ay napapansin ni Margie na napapalingon ito kay Junie. Kaya naisipan niya itong kausapin.

Margie: "Junie, confirmed!"

Junie: "Ha? Anong confirmed?"

Margie: "Can't you see it? It's so obvious!"

Junie: "Bakla po si Sir Ashton, Ms. Margie?"

Matatawa ng sobra si Margie.

Margie: "No! It's not what i mean!"

Junie: "Naku, mabuti naman. Kasi sayang naman ang engagement n'yo kung sakali."

Margie: "Ano ka ba, Junie! Hindi ko siya type! Paano ako magpapakasal sa kanya?"

Junie: "So, paano po 'yan? At saka ano po ba 'yung confirmed?"

Margie: "Confirmed na ikaw ang gusto niya!"

Magugulat si Junie.

Junie: "Ms. Margie naman! Huwag po kayong ganyan! At saka alam n'yo naman pong mayroon po akong childhood crush na taga-sa amin, 'di ba?"

Margie: "Yeah, i know. Pero malay mo! Baka si Ashton ang forever mo!"

Junie: "Huwag naman pong ganyan, Ms. Margie."

Sa kagustuhan ni Margie na makaiwas sa nalalapit niyang engagement. Ay pinursige niya na magkagustuhan si Junie at si Ashton.

Sunud-sunuran naman si Junie.

Kapag nagpapaalam si Margie sa mga magulang niya na magdi-date sila ni Ashton. Ay si Junie pala ang makaka-date nito. At talagang inaayusan pa siya ni Margie.

Tumagal ng isang buwan ang panliligaw ni Ashton kay Junie. Pero hindi naman sila nagkatuluyan. Dahil nga 'yung childhood crush ni Junie ang gusto niya. Na inamin naman niya kay Ashton.

Walang sabi-sabing magbabalik sa USA si Ashton. Na ikinagulat naman ni Sen. Benitez at Mrs. Benitez.

Nagkatinginan na lang tuloy sila Junie at Margie na parehong lihim na napangiti.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon