Part 15

1 0 0
                                    

Mamumulat uli ang mga mata ni Margie.

Nakapagpahinga na. Kaya may sapat na siyang lakas para ipagtanggol ang sarili.

Mapapatingin sa kisame.

Tapos titingnan muli ang mga nagtatalo pa ring mga volunteers na kumidnap sa kanya.

Abalang-abala ang mga ito sa pagtatalo. Kaya hindi mapapansin ang pagkilos o pagbalikwas niya patalikod.

Sisipatin ang dingding.

May pako.

May pakong nakausli sa dingding.

Sa tabi ng higaang kinalalagyan niya.

Babaling uli siya paharap.

Hindi pa din natitigil sa pagtatalo ang mga volunteers na kumidnap sa kanya.

Kikilos paurong. Pero mabagal lang.

Nag-iingat na hindi makagawa ng ingay.

Halatang walang konkretong plano ang mga volunteers na iyon. Kaya napakagulo ng mga pinag-uusapan nila. At talagang magkakasalungat.

Advantage y'un kay Margie.

Sa halip na matakot ay lalong lumakas ang kanyang loob. Dahil na rin sa naaalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Junie. Sakaling malagay nga siya sa ganitong uri ng kapahamakan.

Mapapatigil siya sa pagkilos ng mapatingin sa kanya ang isa sa mga volunteers.

Mapapapikit siya.

Ang volunteers na iyo'y parang gusto ng sumuko. Kaya lalong magtatalo-talo ang mga ito.

Mawawala uli sa kanya ang kanilang atensyon.

Unti-unting didilat si Margie.

Mabagal na kikilos paurong.

Paurong ng paurong.

Hanggang sa mahawakan na niya ang nakausling pako.

Marahan at maingat niyang ikukudkod dito ang tali sa kanyang mga kamay.

Gabi na noon. Kaya kahit papaano'y nakakaramdam na si Margie ng gutom.

Pero tuloy-tuloy pa din siya sa pagkudkod ng naturang tali sa kanyang mga kamay.

Magugulat ng nagkakabatuhan na ng gamit ang mga volunteers na iyon.

Gusto na niya sanang tumili. Pero pinipigil lang niya ang kanyang sarili.

Binilisan na niya ang pagkudkod sa tali na iyon. Dahil baka siya na ang mapagbalingan ng mga nagtatalo pa ding mga volunteers.

At maya-maya'y makakapumiglas na siya. Kaya dali-daling aalisin pati ang mga tali sa paa.

Dali-dali siyang tatayo.

At sa gulat ng mga volunteers na iyon ay hindi sila masyadong makakapag-react ng sugudin na sila ni Margie.

Iju-jiujitsu sila ni Margie. Kaya hindi na sila makakapalag.

Dali-daling bababa ng hagdan si Margie.

Hahabulin pa sana siya ng mga volunteers na iyon. Subalit wala na silang magawa.

Nagkagulo ang buong bahay-panuluyan sa pagbaba ni Margie.

Nakaagaw ng motor si Margie, na dali-dali din niyang napaharurot patakas.

Wala ng nagawa ang mga volunteers na iyon kundi ang habulin na lang siya ng tingin.

My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon