Part 17

1 0 0
                                    

Dahil iginiit ni Junie na ang childhood crush niya ang gusto niya. Ay gumawa si Margie ng paraan para sila'y paglapitin.

Inalam ni Margie kung saan nagtatrabaho si Jhude.

At ng malaman niya'y niyaya niya ito sa isang coffee break para makausap.

Margie: "Jhude, right?"

Jhude: "Opo, tama po."

Margie: "So, ako nga pala ang amo ni Junie. 'Yung nakatira sa tapat ng bahay n'yo."

Jhude: "Ah, 'yung anak ni Mang Hubert. Bakit po? Ano pong maipaglilingkod ko? May maitutulong po ba ako?"

Margie: "Hindi naman sa nakikialam ako. Pero may nagugustuhan ka bang babae sa ngayon?"

Jhude: "Busy po ako ngayon at talagang family lang po muna ang priority ko. Pero kung may darating po na magugustuhan ko ay baka mabigyan ko po ng chance ang sarili ko na magmahal."

Margie: "Good. Paano kapag sinabi ko sa iyo na since bata palang kayo ay gustung-gusto ka na ni Junie?"

Jhude: "Hindi na po bago sa akin 'yan. In fact, matagal ko na pong naririnig sa mga tsismosang bakla doon sa amin 'yan."

Matatawa ng kaunti si Margie.

Margie: "Hulaan ko? Kila Ricky mo ba naririnig?"

Jhude: "Ang ingay po kasi nila kapag napapadaan sa amin."

Margie: "So, anong tingin mo kay Junie? Do you think she's pretty?"

Jhude: "To be honest. Gusto ko din naman siyang makilala pa. Kasi napapaisip ako sa kanya. Dahil noon pa may ilang beses ko na siyang nahuhuling patingin-tingin sa akin. Pero dahil hindi naman siya lumalapit sa akin para makipag-usap ay binabalewala ko na lang."

Margie: "So, ano nga? Do you think she's pretty enough to be your Forever?"

Jhude: "Wow! Diretsahan po talaga?"

Margie: "Oo naman! Kasi bakit pa natin patatagalin kung may gusto ka din pala sa kanya?"

Jhude: "Nahihiya kasi ako, eh. Na baka hindi ako magustuhan ng pamilya niya. Kaya tinutuon ko na lang ang atensyon ko sa pagtatrabaho."

Margie: "Huwag mo ng alalahanin 'yun. Mababait kaya sila Tatay Hubert at Nanay Vicky. Tiyak na magugustuhan nila kapag inamin mo din na may gusto ka din kay Junie."

Jhude: "Hindi ko po alam kung paano po ako aamin. Nahihiya po ako."

Margie: "Don't worry. Akong bahala sa'yo."

Mangingiti si Margie.

Mapapataas naman ng mga kilay niya si Jhude.

Magtataka ng husto si Junie sa ginagawa sa kanyang pangungulit ni Margie.

Paaayusan siya nito mula ulo hanggang paa. At ipagsa-shopping pa siya nito ng mga sosyaling damit na talaga namang makakapagpalabas ng kanyang pagiging dalaginding.

Nang maayusan na siya ay isasama siya ni Margie sa isang mamahaling restaurant.

At lalo pa siyang magugulat. Dahil nandoon din sa naturang restaurant ang buo niyang pamilya at pati mga kaibigan at malalapit sa kanya. Kaya labis ang kanyang pagtataka sa mga nangyayari.

Junie: "Ano ba talagang me'ron? Ano ba 'to? Bakit nandito kayong lahat? Ma', Pa'? Ano ba 'to? Gerard, nandito ka din pala? Hoy, Ricky! Anong drama ito?"

Ricky: "Basta, chill ka lang. Moment mo ito!"

Margie: "Sige na, Junie. Maupo ka na."

Junie: "Ms. Margie, anong me'ron? Kinakabahan naman ako. At nagpasadya pa kayo dito sa sosyal na restaurant na ito."

Margie: "Para sa'yo ito, Junie. Just enjoy the night."

Hahawakan ni Margie ang mga kamay ni Junie.

Nanlalamig na ito sa sobrang kaba.

Maya-maya'y magsisigawan ang lahat habang papalapit na kay Junie si Jhude.

Kaya mapapalingon ang takang-takang si Junie.

Manlalaki ang mga mata ng makitang papalapit sa kanya si Jhude. Kaya iha-hug siya sa likod ni Margie.

Junie: "Hala! Bakit ikaw? Bakit ka nandito?"

Medyo nauutal. Pero magsasalita ang kinakabahang si Jhude.

Jhude: "Hi, Junie. Alam kong hindi mo ini-expect na makikita mo ako dito ngayon. Gusto ko lang malaman mo na matagal ko ng alam ang feelings mo. At oo. Gusto din kita."

Halos himatayin si Junie sa kilig.

Tuwang-tuwa naman ang buong pamilya, mga kaibigan at malalapit sa kanya.

Pati si Margie ay hindi maiwasang kiligin.

Binigyan nila ng panahong makapag-usap ng sarilinan sila Junie at Jhude.

May mga inarkila si Margie na Dancers at Singers. Kaya lalong naging masaya at memorable ang gabi na 'yun.

Pagkatapos ng mga pangyayari na 'yun ay napadalas na ang paglabas-labas nila Junie at Jhude. Na hindi kalauna'y naging magkasintahan na sa wakas.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon