Part 3

2 0 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas.

Pangkaraniwang araw lang sana 'yun kila Junie at Gerard. Pero pareho silang nagtataka sa kung anong pinagkukumpulan ng mga kasama nila sa Caloocan Police Headquarters. Kaya mapapausyoso sila at mapapatanong.

Junie: "Anong me'ron? Ano 'yun?"

Gerard: "Aba, ewan ko. Kararating ko lang."

Maya-maya ay magpo-formation sila ng ipatawag isa-isa ng kanilang Hepe.

Takang-taka talaga si Junie at Gerard sa mga nangyayari. Lalo na ng lumapit na sa kanila ang Hepe nila at kausap si Margie.

Hepe: "Well, Ms. Margaret. As you can see. Sila ang mga tapat at magigiting nating mga uniformed personnel."

Margie: "Thank you for welcoming me here, Sir. Tiwala naman ako na responsableng pulis ang mapipili ko, eh. So, tingnan nga natin."

Sinipat-sipat ni Margie ang mga bagito at beterano ng pulis na nakatayo sa kanyang harapan.

Nagpalakad-lakad pa at kunwaring namimili.

Hanggang sa magawi siya sa kinatatayuan nila Junie at Gerard.

Mapapangiti siya na parang may masamang binabalak habang nakatingin kay Junie na napapangiwi na sa katitingin sa kanya ni Margie mula ulo hanggang paa.

Mapapakunot ng noo at sasama na ang tingin dahil may kung anong weird na nararamdaman.

Walang kaginsa-ginsang ituturo siya ni Margie.

Margie: "You. What's your name?"

Mapapaturo din siya sa sarili niya.

Junie: "Ako?"

Manlalaki ang mga mata.

Margie: "Yes, you. What's your name?"

Sisikuhin siya ni Gerard. At magkakatinginan sila.

Sasabat ang kanilang Hepe.

Hepe: "Ah, Ms. Margaret. She's one of our new uniformed personnel here. As you can see. She's new. Kung gusto ninyo ay madami pa akong ipapakitang possible candidate."

Margie: "But i like her. Let's see."

Hepe: "Ah, baka po gusto ninyong makita ang mga accomplishments ng ibang team? Tough job ang pagbabantay sa inyo. Baka ma-disappoint lang po kayo dahil bago pa siya sa team."

Margie: "Oh, no, no. 'Yun nga ang gusto ko, eh. I mean, mas matuturuan ko siya ng mga instructions ko."

Hindi na maipinta ang mukha ni Junie.

Takang-taka siya at kinakabahan at the same time.

Ipinagpilitan ni Margie na si Junie ang gusto niyang kuhanin para magbantay sa kanya habang nasa Pilipinas siya.

Kaya napapakamot na lang ng ulo ang kanilang Hepe.

Pagkatapos ng evaluation ay si Junie ang laman ng usapan sa buong Caloocan Police Headquarters.

SPO3 Damian: "PO1 Marcelo, so paano ba 'yan? Big time Bodyguard ka na."

Junie: "Hindi pa naman po final. Malay naman natin kung nalipasan lang ng gutom 'yung sosyal na 'yun."

Sobrang lungkot ng mukha ni Gerard. Kaya aamuhin siya ni Junie.

Junie: "Hoy, ano ba 'yan? Hindi pa nga final, 'di ba? Tingnan mo, bukas. Nagbago na ng isip 'yun."

Pero hindi natinag si Margie.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon