Part 9

1 0 0
                                    

Talagang sinulit ni Junie ang apat na araw na bakasyon niya.

K'wentuhan dito, k'wentuhan doon. Takbo dito, takbo doon. Gala dito, gala doon.

Kaya napakadami niyang baong k'wento pagdating niya sa Mansyon ng mga Benitez.

Dahil sa ingay ng k'wentuhan nila ng mga maid ay magigising sa pagkakatulog si Margie. Kaya biglang bababa para sitahin sana sila.

Pero ng makita niya ang saya ng mga mukha ng mga maid habang nakikinig sa mga k'wento ni Junie tungkol sa pamilya niya, ay makakaramdam siya ng inggit.

Mapapaupo siya sa hagdan para lihim ding makinig.

Only child siya, kaya wala siyang karanasan sa pagkakaroon ng kapatid.

School, bahay lang din siya ng bata pa siya. Kaya wala siyang masyadong alaala ng childhood niya. Hindi kasi siya pinapayagang lumabas sa takot na baka ma-kidnap siya.

Nagkaroon lang siya ng laya ng payagan siyang mag-aral ng kolehiyo sa Australia.

Doo'y para siyang ibon na nakawala sa kanyang kulungang hawla. Malayo sa istriktong paningin ng kanyang mga magulang.

Mabilis siyang papanhik pataas. Diretso sa kanyang k'warto. Magtatatawag sa kanyang mga itinuturing na mga kaibigan. Yayayain silang mag-out of town. Subalit walang magpapaunlak. Kaya lalo siyang maiinis.

Ibabato sa dingding ang kanyang cellphone.

Magdamag na magmumukmok sa kanyang k'warto at hindi kakain.

Magtataka sila Junie dahil halos magwa-one ng nagmumukmok sa kanyang k'warto si Margie at bihira lang lumabas.

Pero isang araw ay magugulat na lang si Junie dahil nakaupo na si Margie sa may Garden at tahimik na nagmumuni-muni.

Mas lalo pa siyang magugulat ng bigla siya nitong kausapin. After ng ilang araw ng katahimikan nito.

Margie: "Are you happy?"

Junie: "Po? Ms. Margie?"

Margie: "Tell me, masaya ka ba dito?"

Mapapakamot ng batok si Junie. Hindi dahil sa hindi alam ang sasabihin. Kundi sa labis na pagtataka.

Uulitin ni Margie ang tanong.

Margie: "Are you happy?"

Junie: "Ms. Margie. Masaya naman po ako."

Margie: "Are you sure? Then why am i not happy here? Do you know how to be happy?"

Lalong mapapakamot ng batok si Junie sa labis na pagtataka. Pero susubukang sagutin si Margie.

Junie: "Ms. Margie. Bakit naman po kayo hindi magiging masaya? Anak kayo ni Sen. Benitez at ni Mrs. Benitez. Graduate ng College sa Australia. You have all you want in life. Fame, money, wealth & beauty. Nasa inyo na ang lahat ng hinihiling ng lahat ng kababaihan sa mundo."

Margie: "It's that what you think? Then why am i not happy? Why am i so envy of you?"

Halos matapilok si Junie sa pagkakatayo.

Hindi niya kasi maintindihan ang sinabi ni Margie.

Naiinggit?

Naiinggit sa kanya si Ms. Margie?

Hindi malaman ni Junie kung matatawa siya o mawiwindang sa narinig.


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon