Part 6

2 0 0
                                    


Ang akala niya'y madadatnan niya kinabukasan na malungkot pa din si Margie. Pero nagkamali siya ng akala. Dahil kasalukuyan na itong nagsi-swimming sa kanilang swimming pool na akala mo'y hindi nalasing at nagdrama ng nakalipas na gabi. Kaya grabe ang pagtataka ni Junie.

Margie: "Oh, PO1 Marcelo? How was your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?"

Junie: "Ayos lang po, Ms. Margie. Kayo po ang inaalala ko."

Margie: "But, why? Do i look like i was wasted yesterday?"

Junie: "Naku, hindi naman po. Mukha nga pong enjoy kayo, eh."

Kunwaring mangingiti.

Hindi nagyayang lumabas si Margie. Kaya nakipagk'wentuhan na lang si Junie sa mga kasambahay.

Junie: "Ate Wilma, ganu'n po ba talaga si Ms. Margie? Uuwing lasing tapos kinabukasan parang walang nangyari?"

Maid Wilma: "Sinabi ko na sa'yo na kakaiba ang pag-uugali n'yan ni Ms. Margie. Hindi kaagad naglalabas ng pagkamaldita. Pero kapag nasa mood magmaldita ay mapapatahimik ka na lang."

Junie: "Talaga po?"

Maid Wilma: "Nasungitan ka na ba?"

Junie: "Ayos naman po ang pagtrato sa akin kahit papaano. Kaso napapansin ko nga po na minsan parang papansin na po siya. Parang gustong-gusto na manguha ng atensyon."

Maid Wilma: "Oh, kumain ka muna. Kumuha ka na lang ng prutas kung gusto mo. Gusto mo ng kape?"

Junie: "Sige po, tinapay na lang po."

Sabay kuha ng tinapay.

Mapapakuha din ng saging.

Maid Wilma: "Nakausap mo na ba uli ang pamilya mo?"

Junie: "Hindi pa po uli. Pero saka na po siguro. Kasi ayoko silang mag-alala sa akin. Baka kung ano pa po ang maik'wento ko."

Maid Wilma: "Oh, siya. Kumain ka na lang muna d'yan. May gagawin lang ako."

Nagkakatuwaan na sila Junie at ang mga kasambahay. Nang biglang sumulpot si Margie.

Margie: "Sinong kumuha ng saging?"

Magkakatinginan silang lahat.

Maid Anna: "Ah, Ms. Margie. Bakit po?"

Margie: "Hindi ba sinabi ko na, na kapag kukuha ng saging ay huwag sa gitna? Hindi ba dapat sa dulo para hindi masira ang ambiance ng mga prutas?"

Mapapataas ng kilay si Junie.

Margie: "So, sinong pasaway na kumuha ng saging?"

Aamin na si Junie.

Junie: "Ako po, Ms. Margie. Sorry po, hindi ko po alam."

Margie: "Ok. Now you know. Do not do that again."

Sabay alis.

Magkakatinginan uli silang lahat.

Maid Wilma: "Sabi ko na sa'yo, eh. Maldita with a heart."

Mapapakibit-balikat na lang si Junie.

Minsan pang mapapatulong sa paghuhugas ng mga pinggan si Junie sa mga kasambahay ay muli na naman siyang mapapagalitan ni Margie.

Margie: "Sinong naghugas dito? Bakit may basa sa sahig? Hindi ba sinabi ko na sa inyo na huwag magpapalampas ng tubig sa sahig? So grossed!!!!!"

Sabay walk out.

At maging sa pagligo at paggamit ng kubeta ay napapagalitan din si Junie.

Margie: "At bakit basang-basa ang CR? Gusto n'yong may madulas dito? Linisin n'yo 'yan! Dali!"

Sobrang nai-stress si Junie dahil wala na siyang nagawa na walang mapapansin si Margie. Kaya magkukulong siya sa kanyang k'warto para tawagan si Gerard.

Gerard: "Oh, kamusta? Napatawag ka?"

Junie: "Parang ayoko na dito, Pards. Praning itong Ms. Margie na ito! Parang wala na akong ginawang tama sa kanya! Kung me'ron man ay parang hindi niya napapansin."

Gerard: "Suko ka na ba? Uwi ka na kaya?"

Junie: "Paano kaya, eh nakakontrata ako na babantayan ko si Ms. Margie habang nasa Pilipinas siya?"

Gerard: "Oh, eh paano ba 'yan?"

Junie: "Ewan ko, Pards. Para ngang gusto ko ng umuwi sa amin."

Gerard: "Hindi ko alam kung paano kita matutulungan. Pero, 'di ba? Matapang ka, 'di ba? Kaya mo 'yan!"

Junie: "Oo, kaya ko ito! Kakayanin!"


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon