Part 18

1 0 0
                                    

Ayos na sana ang lahat.

Nang mabalitaan ni Junie na paalis na pala si Margie. Pabalik na sa Australia.

Susubukan siyang pigilan ni Junie.

Junie: "Ms. Margie? Ano po 'yung nababalitaan ko na aalis ka daw?"

Margie: "Ikaw talaga, Junie. Bakit ba hindi mo ako matawag na Margie na lang? Matagal na tayong magkaibigan, ah?

Junie: " Sagutin mo 'yung tanong ko."

Maiiyak na si Junie.

Margie: "Yeah. Paalis na ako. Babalik na ako sa Australia."

Junie: "Pero, bakit? Ayos na tayo dito, ah? Hindi ba inayos mo na din pati buhay ko? Kaya, bakit?"

Margie: "Para hanapin ko din ang buhay ko. Don't worry. It's not all about you. It's just like, i want to explore something."

Iyak na noon ng iyak si Junie.

Margie: "Oh, don't cry. I want you to be happy. Don't blame yourself."

Tatapikin ang likod ni Junie. Sabay hug.

Margie: "May sasabihin ako sa'yo. Naaalala mo pa ba 'yung tinicketan mong sasakyan sa labas ng isang coffee shop?"

Mapapaisip si Junie.

Margie: "Sasakyan ko 'yun. Pero don't worry kasi wala na sa akin 'yun."

Mapapatahan tuloy si Junie na nabigla sa nalaman.

Margie: "At first, balak ko sanang gantihan ka. Kaya kinuha kitang Bodyguard para pahirapan ka. Pero nabago 'yun ng makilala kita personally. And then we became friends. Super best friend. You teach everything that i don't know in life. Kaya gusto kong happy ka parati. I don't want to say goodbye. But good luck. Good luck, MY BEST FRIEND BODYGUARD."

Hindi napigilan ni Junie ang pagbalik ni Margie sa Australia.

Pero hindi naputol ng paghihiwalay na 'yun ang pagkakaibigan nilang tunay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon