Part 12

3 0 0
                                    

Hindi masyadong nakatulog si Junie. Kaya maaga siyang bumangon para maghandang mag-jogging. Pero gaya ng dati ay muli na naman siyang nagtago sa may pintuan nila para abangan ang childhood crush niya.

Maaga ding nagising si Margie. Kahit na sa k'warto siya ni Junie pinatulog. Medyo malamok kasi doon. Tapos maingay pa ang mga alagang pusa ni Junie.

Magpapalinga-linga si Margie sa paligid. Maaalala ang nangyari kagabi. Masakit ang t'yan niya pero hindi niya ito iindahin. Dahil hahanapin niya kung nasaan si Junie.

Dahan-dahan siyang maglalakad dahil medyo madilim doon at nakapatay na ang mga ilaw.

Mapapansin niya ang pagtatago ni Junie sa may pintuan nila. Kaya dahan-dahan siyang bababa para tingnan kung anong ginagawa ni Junie doon.

Walang kamalay-malay si Junie na nasa likod na niya si Margie. Nakikiusyoso sa kung anong tinitingnan niya.

Takang-taka si Margie. Pero nakiabang na din sa inaabangan ni Junie.

Si Junie nama'y todo tago pa din. Patungo-tungo at palinga-linga.

Mapapabalikwas ng biglang magsalita si Margie.

Margie: "Anong ginagawa mo d'yan? Sinong sinisilip mo?"

Junie: "Ah, Ms. Margie? Ano na pong pakiramdam mo?"

Sabay sarado ng pinto.

Papanhik pataas.

Junie: "Gusto n'yo na po bang kumain? Magluluto po ako ng almusal. Ano po bang gusto ninyo?"

Margie: "Mayroon ba kayong bacon with garlic rice?"

Junie: "Naku, Ms. Margie. Kailangan pa po nating bumili ng bacon sa palengke kung gusto ninyo po ng bacon na almusal. Lulutuan ko na lang po kayo ng omelette with fried rice kung gusto ninyo."

Margie: "Omelette with fried rice? Ok, p'wede na. Me'ron ba kayo ditong chamomile tea?"

Junie: "Naku, Ms. Margie. Lipton tea lang po ang me'ron kami dito. Pero kung gusto ninyo po ay bibili ako mamaya sa palengke."

Margie: "Can i come with you?"

Junie: "Naku, wet market po ang palengke namin dito. Hindi po kagaya sa pinupuntahan natin sa inyo na super linis po."

Margie: "Sabi mo, nandito ang source ng happiness? Then, tara! Isama mo ako sa mga lugar na may happiness."

Junie: "Ms. Margie. Iba naman po kasi ang buhay dito sa amin. Baka mahirapan po kayo."

Margie: "No, no, no, PO1 marcelo. I will go where the happiness is. Whatever it takes."

Mapapabulong na lang si Junie sa pagpigil sa panggigigil niya.

Margie: "Ha? Sorry? Come again?"

Junie: "Naku, wala po. Ms. Margie."

Kunwaring mangingiti.

Hindi na nakapag-jogging si Junie dahil ipinagluto pa niya ng almusal si Margie. Kaya magbibihis na lang siya para maghandang pumunta sa palengke.

My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon