Part 11

1 0 0
                                    

Saan pa nga ba dadalhin ni Junie si Margie? Kundi sa lugar kung saan niya kinamulatan ang simpleng kasiyahan.

Mapapadungaw sa kanilang bintana ang kanyang amang si Tatay Hubert, ng mapansin na pumarada ang isang sosyal na sasakyan na imposible talagang magawi sa lugar nila na wala namang karangyaang makikita.

Gabing-gabi na noon, kaya hindi na sila nakaagaw pa masyado ng pansin sa mga nakatira doon. Maliban lang sa mga nagtatahulang aso.

Nang makapanhik na sila sa taas ng bahay nila Junie ay saglit muna niyang iniwan si Margie sa sala para kausapin ang mga magulang niya.

Nanay Vicky: "Ano ba talagang nangyari, Junie? Bakit dinala mo dito iyang amo mo?"

Tatay Hubert: "Anak, tapatin mo nga kami. Bakit lasing iyang amo mo? Pati ba ikaw, naglalasing na din? Saan ka pa sinasama ng amo mo? Aba't bad influence na pala sa'yo iyang amo mo. Ang mabuti pa'y mag-resign ka na kaya."

Junie: "Ma', Pa'. Kalma lang. Sinamahan ko lang po siya sa Bar. Wala po akong ginagawang masama."

Nanay Vicky: "Sa'yo may tiwala kami. Pero sa amo mo, wala."

Tatay Hubert: "Hindi ba sabi mo may pagka-spoiled brat iyang amo mo? Aba't mukha pang trouble maker 'yan, ah? Kaya siguro kumuha ng Bodyguard, ano? Bakit ba pinayag-payagan ka pa namin na maging Bodyguard n'yan? Baka 'yan pa ang magpahamak sa'yo."

Junie: "Kalma lang naman, Pa'. Recently lang naman po siya naging ganyan. Basta bigla na lang po siyang nagkaganyan. Bigla-bigla na lang pong nagkukulong sa k'warto. Tapos bigla-bigla na lang pong nananahimik, natutulala at nag-iisip ng malalim. Tapos nagtatanong pa po kung saan daw po makakahanap ng kasiyahan?"

Nanay Vicky: "Eh, nasaan ba ang mga magulang n'yang amo mo? Baka kailangan lang niya ng kalinga ng mga magulang niya."

Junie: "Mga busy po ang mga magulang ni Ms. Margie. Talagang mga maid at si Yaya Nanette lang po niya ang madalas niyang nakakasama. 'Yung mga kaibigan naman niya. Ayun! Inaaway-away pa siya kanina."

Tatay Hubert: "Hay naku, anak! Baka maging problema pa natin 'yan. Subukan mo ngang kausapin na umuwi na siya sa kanila."

Junie: "Ako ng bahala, Pa'. Matulog muna po kayo. Malay n'yo kapag nahimasmasan din 'yan ay siya na ang kusang magyaya pauwi."

Tatay Hubert: "Mabuti pa nga."

Nanay Vicky: "Matulog ka na din, anak pagkatapos."

Junie: "Opo, Ma'."

Tatay Hubert: "Oh, 'yung pinto? Nakasara na ba? I-lock mo at baka may makapasok na daga. Ma-praning pa 'yang amo mong maarte."

Junie: "Si Papa talaga."

Tatay Hubert: "Sige, goodnight na."

Nanay Vicky: "Goodnight, anak."

Junie: "Goodnight po. Sige po."


My Best Friend BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon