Prologue

674 9 3
                                    


♚ PROLOGUE ♛ 


- Diocletian's Palace: White Piece Headquarters -


*knock knock*


"Rook pakitingnan naman kung sino yung kumakatok."


"Sige Queen---"


"Ako na."


"Oy Maria ako yung inuutusan ni Queen! Hindi ikaw!"


"Wala naman sinabi si Queen kung sinong Rook ah. Ako na nga kasi. Kulit mo Richmond!"


"Ako pa talaga ang makulit Maria? Woy nakikita ko kung sino yung nasa labas ng pinto eh ikaw ba?"


"Duh! Kung nakikita mo sila, naririnig ko naman kung anong pinaguusapan nila. Nagtuturuan pa sila kung sino magsasabi kay king na may black head pawn na nagsimula ng away sa Pantheon building--- hala."


"Hay nako. First day na first day at may kaguluhan agad." -Richmond


Natigil si Maria at Richmond pagsasalita nang tumayo si Iralynd aka Queen at binuksan ang pintuan na pinagaawayan ng dalawang rook.


"Pasensya na kung ang tagal namin kayo pag buksan ng pinto ha. Nga pala, ano yung sasabihin niyo?"


Ngumiti ng matamis si Iralynd sa dalawang white pawn at natulala ang dalawang white pawn dahil sa ganda ng Queen ng White Piece.


"A-ah kasi Queen may black head pawn na n-nagsimula ng away sa Pantheon Building."


"Ayaw po kasi m-magpaawat eh."


"Ganun ba. Knights, pumunta kayo sa Maison Carree at pakisabihan naman ang Black Piece na may pawn sila na nagsimula na naman ng gulo. Head pawn pa naman tas ganun."


"Yes Queen." -Lance


Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon