Game 7: Legatus Twins

141 4 1
                                    


♚ GAME 7 ♛


Adrian's POV


"SACRED SWORD! I SUMMON YOU!"


Naramdaman ko na biglang uminit ang singsing sa kamay ko kaya minulat ko na ang mata ko. Napangiti ako nang makita ko ang Sacred Sword ko at dali dali etong hinarang sa paparating na karayom ni Cherry papunta kay Ate CJ. Espada ko wag mo kong bibiguin!


"NULLIFYING RING!"


Gumuhit ako ng bilog sa ere gamit ang espada ko at nagulat ako ng nahulog sa sahig ang mga karayom na galing kay Cherry. Tsamba lang yung nullifying ring kaya natuwa ako kasi gumana siya! Ayos!


"Wow." -Iralynd


"Nice." -Lan


"Karapat dapat talaga siya maging parte ng Black Piece Regime." -Josh


"Yeah. Sabi ko naman sayo kelangan niya mapunta saatin." -Ysa


Di ko alam kung ako lang ba ang nakarinig sa sinabi ni King and Queen kasi parang pabulong lang yung pag sabi nila nun eh. Pero uhhh nailang ako bigla haha.


"T-thank you Adrian." -CJ


"Walang anuman Ate CJ."


Tinapik ako ni Ate CJ sa balikat at nginitian ko lang siya. Di ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sakanya kahit isa siyang myembro ng White Piece Regime.


"Sino ka para mangialam Adrian?!" -Cherry


Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Queen Ysa at King Josh.


"Shut up Cherry." -Ysa


"Kumalma ka at maupo." -Josh


"No! Queen, King bakit siya nangialam?! Sino ba siya?! Di porke siya ang nag iisang nakapatay sa Slow Loris eh aasta na siya ng ganyan!" -Cherry


Bat ba kasi gigil na gigil si Cherry kay Ate CJ? Ayoko naman mangialm talaga pero mali din kasi si Cherry. Malay ko ba kung anong pwedeng magawa ng mga karayom niya na may lason.


"I told you to shut the fuck up." -Ysa


"But Queen---" -Cherry


"No buts Cherry. Shut your fucking mouth and sit down." -Ysa

Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon