♚ GAME 20 ♛
Adrian's POV
"Tol ano? Masarap ba matulog ha at pati sa loob ng cr natutulog ka na?"
"Gago di ako natutulog! Nagbibihis na ko!"
"Bilisan mo! Di tayo nakapagbreakfast nang dahil sayo! Tulog pa more!"
"Oo na eto na!"
Eh sa late na kasi ako nagising! Akala ko kasi bibisita si Asha sa panaginip ko kaya sinadya kong tagalan yung tulog ko pero di naman pala! Ibig sabihin, mali yung sagot namin ni Lara. Binilis bilisan ko na ang pagpapatuyo ng buhok ko at lumabas na ko ng cr.
"Monggi ka. Pwede naman tayo mag breakfast mamaya---"
"Hoy Adri good morning." -Ces
Kung bakla lang ako, napatili na ko sa gulat. Pano ba naman kasi, nandito si Ces! As in nandito siya ngayon sa kwarto namin ni Jin at nakaupo siya sa kama ko! Nakabihis na siya ng uniform at may hawak na dalawang paper bag.
"Grabe Adri wala man lang 'good morning din Ces'? Nakakatampo ah!" -Ces
"Hahahaha shookt pa ata siya Ces. Nga pala, salamat sa breakfast ah!" -Jin
"Walang anuman Jin! Nagtakha kasi ako kung bakit di kayo kasama nila Mark mag breakfast kanina. Sabi ni Mark tulog pa daw si Adri kaya di kayo nakasabay sakanila."
"Nag abala ka pa Ces. Salamat talaga ah. Eto kasing isa eh kung saan saan nakarating kaya ang haba ng tulog."
"Nako okay lang yun. Baka kasi malate pa kayo kaya binilhan ko na kayo ng breakfast."
Wow. Dinalhan pa kami ni Ces ng breakfast? Tangina kinikilig ako wahahahaha!
"Ano Adri tutunganga ka na lang diyan---"
Lumapit ako kay Ces at ginulo gulo ang buhok niya kaya humaba na naman ang nguso niya hahahaha ang cute lang eh.
"Salamat Ces."
BINABASA MO ANG
Ludus Academy (ON-HOLD)
FantasyIt's not your ordinary place of learning. There's something concealed within the extensive grounds of Ludus. What is it? We don't know. No one knows. Who's behind it? Still a mystery. A mystery that is yet to be found. The only academy that bear...