♚ GAME 19 ♛
Adrian's POV
'It has a million stories but cannot tell them.'
'I have a spine and no bones.'
Naiuntog ko ang ulo ko sa desk ng wala sa oras. Ano ba naman kasi tong mga riddle na binigay ni Asha?! Masyadong mahirap! Isang linggo ko na to sinusubukan sagutan pero hindi ko talaga masagot sagutan. Di naman ako ganun kahenyo para masagutan to mag isa! Di din ako makahingi ng tulong kela Jin kasi sabi ni Asha wala daw dapat makaalam neto. Ano na lang pala ang gagawin ko?! Sabi pa ni Asha, bibisita daw ulit siya sa panaginip ko sa oras na masagutan ko na ang dalawang riddle. Hula lang ako ng hula ng sagot pero ibig sabihin, mali lahat yon kasi di pa siya bumibisita sa panaginip ko.
"Mukhang may sariling mundo si Mr. Adrian diyan sa likod."
Pero may posibleng sagot na ako sa pangalawang riddle. Di nga lang ako sigurado.
"Mr. Adrian?"
Di kaya espada? I have a spine daw eh edi ibig sabihin nakatayo? Nakatayo naman ang espada ko este ang espada. Tas wala daw buto? May buto ba ang espada ko este espada? Wala naman diba?
"Mr. Adrian Seth Parker?"
Basta ang hula ko sa pangalawa, espada. Dun na lang ako sa pang una nahihirapan eh. Million stories but cannot tell them? Di kaya motel? Shempre may mga nangyayare sa motel tas bawal sabihin sa iba hehehehe.
"EARTH TO ADRIAN SETH PARKER!"
*BOINK!*
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Nagulat ako nang bigla akong batuhin ni Ma'am Sofia ng papel sa mukha at nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Taena anong nakakatawa?!
"Pasalamat ka at hindi ako gumamit ng forta ko kasi kung gumamit ako ng forta ko, kasing tigas sana ng bato yang papel na itinapon ko sayo."
"S-sorry ma'am."
"Now pay attention or else papalabasin kita."
BINABASA MO ANG
Ludus Academy (ON-HOLD)
FantasyIt's not your ordinary place of learning. There's something concealed within the extensive grounds of Ludus. What is it? We don't know. No one knows. Who's behind it? Still a mystery. A mystery that is yet to be found. The only academy that bear...