Game 1: Welcome to Ludus Academy

360 7 18
                                    


♚ GAME 1 ♛ 


"Woy Ian seryoso ka bang lilipat ka?"


"Ano bang magagawa ko eh yun ang gusto nila mama."


Tinamad na ako mag impake kaya humiga na lang ako sa kama ko. Bat kasi sa boarding school pa ko ililipat at bakit kung kelan senior na ako eh tsaka pa lang ako ililipat?!


"Senior na tayo ngayong taon oh tas lilipat ka pa. Sayang nung mga fangirls na maiiwan mo."


"Anong fangirls ka diyan? Meron ba ko nun?"


"Sus. Tuwang tuwa ka nga pag nakakakuha ka ng regalo galing sakanila hahahaha!"


"Ulok!"


Binato ko si Jin ng unan at tinawanan lang ako ng gago. Fangirls daw. 


"Hahahaha o ano kelangan mo pa ba ng tulong sa pagiimpake mo? Bukas na ang alis mo diba?"


"Papapuntahin ba kita dito kung hindi?"


"Psh. Oo na!"


Nga pala, ako si Adrian Seth Parker. Ordinaryong tao lang. Pogi tas habulin ng chix--- de joke lang haha. Graduating student na ko ngayong taon at makakatanggap na sana ako ng loyalty award galing sa school na pinasukan ko simula grade 1 hanggang junior year pero di ko alam kung anong sumagi sa utak nila mama at kelangan ko daw lumipat. Dun daw sa school kung saan sila nagtuturo ni papa.


(a/n: Adrian's picture below.)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagkatapos namin mag impake ay nagpaalam na din si Jin kasi may date pa daw siya nung bago niyang chix. Lul lamporeber. Humiga na din ako sa kama ko at tiningnan ang naka impake kong mga gamit. Ano nga ulit yung school na lilipatan ko? Modus Academy? Modus amp hahahaha tae nakalimutan ko. Maaga pa pala ako bukas. Sabi kasi ni mama may susundo daw saakin bukas ng 6am. Ang sosyal ng Modus Academy na yan ah. May pasundo sundo pang nalalaman. Ah bahala na bukas! Makatulog na nga lang.

Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon