Game 13: Divine Light User

89 4 3
                                    


♚ GAME 13 ♛  


Ceslinde's POV


Pagkarating na pagkarating namin sa infirmary ng White ay inihiga namin si Adrian sa isa sa higaan. Nakita naman namin si Iralynd na nakaupo sa isa sa higaan habang katabi si Lan. Lalapit pa lang sana ako kay Iralynd nang inunahan na ako ni Lara at siya na ang kumausap kay Iralynd.


"Queen! Queen Iralynd!" -Lara


"Teka Lara bat may kasama kayo ni Alex na mga Black Piece at anong nangyare kay Adrian?" -Iralynd


"Nalason po siya ng isa sa needles ni Cherry mula sa weapon accessory niya. Naagapan ko na pansamantala Queen pero di pa tuluyang natatanggal ang lason sa katawan ni Adrian." -Lara


"May sariling nurse ang infirmary ang Black. Bat di niyo dun dinala si Adrian?" -Iralynd


Namawis ang kamay ko sa sinabi ni Iralynd. Alam kong inis siya sa pagkatalo niya sa laban nila ni Queen Ysa kanina pero di niya ba maintindihan na kelangan ng maagapan ni Adrian?!


"Queen ikaw ang pinaka magaling na healer dito sa Ludus. Isahang heal mo lang kay Adrian, matatanggal ang lason sa katawan niya." -Lara


"Oo nga Queen. Kaya dito namin siya dinala sayo." -Alex


Tiningnan ko si Iralynd ng tingin na nagmamakaawa. Kahit gustong gusto ko siya pag taasan ng boses, tinitiis ko lang kasi baka di niya kami tulungan kay Adrian. Umupo ako sa tabi ni Adrian at hinawakan ko ang kamay niya. 


"Iralynd p-please... nanlalamig na ang mga kamay ni Adrian. Ipasintabi mo muna ang alitan niyo ni Queen Ysa."


Ngayon lang ako nag makaawa ng ganito. Ni minsan di ako gumamit ng salitang 'please' pero kung para sa kalagayan ni Adrian ay gagawin ko. Magmamakaawa ako. 


"Sige na Ira. Wala naman mawawala sayo kung tutulungan mo si Adrian." -Lan


"Tama si King Lan. You need to heal Adrian or else baka magsisi ka Queen." -Lara


"What do you mean?" -Iralynd


"Sasabihin ko sayo mamaya Queen." -Lara


"O-okay. Saan ba tumusok yung karayom?" -Iralynd


"Sa dibdib Queen." -Lara


"Sige. Tabi ka muna diyan Ceslinde." -Iralynd


Binitawan ko ang kamay ni Adrian at lumipat sa kabilang gilid habang naupo naman si Iralynd sa inupuan ko kanina. Nilagay niya ang kamay niya sa dibdib ni Adrian at pumikit. Maya maya ay umilaw na ang kamay ni Iralynd at pati ang dibdib ni Adrian ay umilaw. Tuluyan ng bumalik sa normal ang kulay ni Adrian at di na din namamawis ang kamay niya. Napabuntog hininga naman si Mark, Barron at Jin na nasa likod ko.

Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon