Game 10: Yin

83 3 0
                                    


♚ GAME 10 ♛


Adrian's POV


Dahan dahan kong minulat ang mata ko at tulad ng dati, di ko na naman alam kung nasan ako. Ni wala nga akong makita dito kundi dilim eh. 


"Adrian..."


Teka yung boses... di kaya kay Asha galing yung boses? At nananaginip na naman ako ngayon?


"A-asha? Asha Ramagi? I-ikaw ba yan---"


Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla namang may umilaw at iniluwa ang isang magandang babae na nakasuot ng pang mandirigma. Yung parang pang gladiator ba. Yun nga lang, imbes na matakot ka eh mamamangha ka kasi may pakpak yung babae at may hawak hawak na espada tulad nung weapon ko. May pagkakaiba lang kasi walang pulang bato sa hawakan ng espada at umiilaw eto. As in literal na umiilaw yung espada.


"Tapos ka na bang salisihin ang espada ko?"


"U-uhhh sino ka?"


"Nagpalit lang ako ng damit pero di mo na agad ako nakilala?"


Bigla namang tinanggal nung babae yung tali niya sa buhok at yung helmet na suot suot niya. What the... si Asha pala to?! 


"Nakilala mo na ba ako Adrian?"


"Shet ikaw po pala yan Asha. Ay pucha bat ako napamura. S-sorry po."


Gagu ka talaga Adrian baka bigla kang batuhin ng espada niyan!


"Ayos lang. Pasensya na pala kung ganito ang kasuotan ko ngayon. Ganito kasi ang kasuotan ko nung panahon na naganap ang digmaan sa pagitan namin ng kambal kong si Ash. Namiss ko lang isuot to."


"A-ahhh."


Pano ba naman kasi, nung unang beses na nagpakita siya sa panaginip ko eh nakasuot siya ng puting dress na mahaba at nakalugay yung buhok niya. May headband pa siya nun na gold pero yung headband niya nasa noo niya. Basta yung parang suot ng mga greek goddess! Hirap iexplain taena.


"Kamusta ka sa loob ng Ludus Academy? Alam ko ang ginawa mo sa nangyareng duel kahapon sa pagitan ng isang head pawn galing black at head pawn galing white."

Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon