Game 5: First Day Jitters

148 4 2
                                    


♚ GAME 5 ♛


Adrian's POV


Eto na yung araw na pinaka kinakatakutan ko. First day of classes mga tol! Ayoko kasi ng exposure ng kagwapuhan ko--- de joke lang. Ayoko kasi nung pupunta sa unahan tas magpapakilala tas yung mga tingin ng mga bago mong kaklase eh parang kakainin ka ng buhay. Maliban sa mga babae na halos hubaran na ako sa mga tingin nila hahahaha joke lang. Pero de kasi di normal na paaralan to. Mamaya niyan pag tripan pa ko habang nagpapakilala ako o ano.


"Hoy Adrian! Naghohomily ka ba diyan sa loob ng cr?!"


"Gago eto na! Nagbihis lang eh!"


Lokong Jin to. Eh sa binabagalan ko talaga kumilos kasi ayoko pumasok!


"Bilisan mo na! Ayoko malate kasi first day na first day tas malalate?!"


"Eto na nga oh lalabas na oh!"


Lumabas na ako ng cr at nakita ko si Jin na suot suot na ang uniform niya habang nakahiga sa higaan ko. Black pawns daw kami kaya ang coat ng uniform namin ay itim. Pare pareho lang naman ang design ng uniform pero sa kulay lang ng coat ang pagkakaiba. Pag black pawn ka, black yung coat mo. Pag white, white din.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nice one tol! Bagay sayo yung uniform!"


"Sayo din naman. Mukha kang chick magnet sa uniform mo ulok."


"Chick magnet naman talaga ako tol."


Tumayo si Jin at nagPAKYUt este nagpacute sa salamin ng kwarto namin. Kahit kelan talaga eh ang lakas ng tama neto.


Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon