Game 16: Clash of Kings

99 3 0
                                    


♚ GAME 16 ♛


Adrian's POV


Bakit parang nilalamig ako at parang may nakadagan saakin? Dahan dahan kong minulat ang mata ko at halos mapasigaw ako nang nakita ko si Ces na nakaupo sa hita ko at nakaubob ang mukha sa dibdib ko. Shet oo nga pala nakatulog si Ces. Pano ba naman kasi, apat na bote ng beer ang tinungga. Talagang malalasing to. Tiningnan ko ang orasan at 1am na pala. Malamang kanina pa natapos yung acquaintance party. Hanggang 12am lang kasi yung party eh. Pero anong gagawin ko dito?! Subukan ko kayang gisingin?


"C-ces?"


Tinapik ko ng mahina ang balikat ni Ces pero wala. Tulog talaga siya. Kaya ang ginawa ko, hinubad ko ang polo ko at sinuot sakanya. Tsk bat kasi ganto pa ang theme ng acquaintance party? Pano kung di ko sinundan si Ces papunta dito sa rooftop at may ibang makakita sakanya? Baka makapatay ako pag may nangyareng masama sakanya. Binuhat ko si Ces at isinandal muna sa pader. Nag unat unat din muna ako kasi medyo nangalay ang likod ko hahahaha pero ayos lang. Titiisin ko lahat para sa babaeng gusto ko. Para kay Ces.


"A-adri..."


Biglang nagsalita si Ces kaya natigil ako sa pag unat unat. Bakit niya tinawag pangalan ko? Di kaya nananaginip siya?


"Dito ka lang please Adri..."


Adri?! Di ko na napigilan ang sarili ko at nagtatalon ako sa sobrang saya wahahahaha sa wakas!


"WOOOOOO! NAPANAGINIPAN AKO NG BABAENG GUSTO KO---"


Natigil ako sa pagtatalon at pag sisigaw nang nagsalita ulit si Ces.


"Adri... pinag aalala mo ko masyado. Dito ka na lang lagi sa tabi ko."


Pota kung di lang talaga tulog si Ces mas malakas pa sigaw ko dito. Pucha pakiramdam ko nanginginit ang pisnge eh hahahaha ganto ba talaga pag pakiramdam mong nagugustuhan ka na din ng taong gusto mo? Pakiramdam lang naman kaya lubus lubusin na. Malay niyo huli na to diba? Pero sana hindi pa. Kasi dahil sa nangyare ngayon, mas lalo akong nahulog kay Ces. Mas lalo kong gugustuhin na mapalapit sakanya. Ikaw ba naman, harap harapan mong nakikita na napapanaginipan ka ng babaeng gusto mo.


"Hmmm..."


Bago pa magising si Ces ay dahan dahan ko siyang piniggy back sa likod ko. Inayos ko muna ang pagkakasakay niya sa likod ko para kumportable siya. Buti na lang talaga abot dito sa rooftop ang elevator. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang G. G kasi ground floor shempre. Pagkarating namin ng ground floor, naglakad na ako papunta sa Maison Carree building. Medyo malapit naman yun dito sa Colosseum building pero madadaanan muna namin ang House of Venus, yung dormitory ng girls. Habang naglalakad ako, bigla akong nakakita ng aninong naglalakad kaya inayos ko yung pagkakahawak ko kay Ces at tinakpan ko ang mukha ni Ces ng buhok niya. Mahirap na pag may nakakita saamin eh. Baka kung ano pa ang isipin at maissue pa kami ni Ces. Ayoko ng ganun.

Ludus Academy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon