Chapter 2

192 25 19
                                    

Chapter 2

Ang hirap talaga pag walang kaibigan sa school. Hindi padin ako sanay hanggang ngayon.

Bukas ay magsisimula ang foundation week ng school. Kakapasok ko palang, wala nanaman klase. Busy din halos lahat ng studyante dahil may mga booth. Ako lang ata ang hindi, dahil hindi naman ako belong.

Tumambay ulit ako sa soccerfield, buti nalang ay may malaking puno dito na pwede silungan.

"Hi"

Halos mapasigaw ako sa gulat. Akala ko ay may multo o ano. Pagtingin ko ay isang magandang babae ang nasa harap ko. Ang perfect niya.

"Uhm hi. I'm Danna" naglahad siya ng kamay.

Ako ba kausap niya? Tumingin ako sa paligid. Kami lang naman ang narito.

"I'm talking to you."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Hi. Isabella.. Isabella Alcantara." ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya.

"It's nice meeting you Isabella." ang anghel ng itsura niya.

"Ako din. It's really nice meeting you since you're the first one na nakilala ko." natawa pako para hindi magmukhang malungkot or something.

"I'm sorry kung di welcoming ang first day mo dito ha? You should watch the intrams bukas. Baka sakaling magenjoy ka."

"Uhm. Baka di na kasi ako pumasok bukas tutal wala namang klase. Wala din naman ako makakasama."

Totoo naman diba. Paano ko maeenjoy ang foundation week kung wala naman akong kaibigan.

"I'll be there with you. Pasok ka ha?"

Napaisip ako ng matagal..

"Hmm.. sige."

"Great! I'm so excited Isabella!! You should give me your number para matext kita bukas!"

Omg. May gusto na ba talaga kumaibigan sakin. O baka.. tulad lang niya yung mga babaeng gusto lang ako pagtripan. Magpapanggap na kaibigan pero hindi naman talaga.. Unti unting nawala ang ngiti ko sa aking napagtanto.

"I should go." dirediretsyong sabi ko at umalis.

Narinig ko ang tawag niya pero di ako lumingon. Nagiingat lang ako. Ayoko ng maulit ang mga nangyari dati.

Nagtext ako kay Kuya Isko na sunduin ako. Naghihintay ako dito sa parking lot ng school ng makita ko si Gio kalalabas lang ng kanyang sasakyan. May dala dala siyang gym bag at naka jersey ito. Ang gwapo niya talaga. Hindi ko pa siya nakikit ng naka uniform pero sa tingin ko ay gwapo padin siya.

Basketball player ba siya?

Maglalaro kaya siya bukas?

Gusto ko siya mapanood maglaro..

Namula ang pisngi ko sa mga naiimagine ko. Siguro sobrang gwapo niya sa court. Sobrang lakas ng dating niya. Kaso.. di naman ako manonood bukas diba?

Nagvibrate ang phone ko at nakita ko ang text ni Kuya Isko. Dali dali akong tumakbo para mahanap ang sasakyan namin.

Paguwi ay ganon ulit. Nagkwento ulit ako kay Maria. Kung pwede lang isama siya sa school ay ginawa ko na. Kahit foundation week ay bawal ang outsider eh.

Hindi ako nakatulog dahil iniisip ko kung papasok ba ako bukas para manood ng laro ni Gio.

"Ano ba tong ginagawa mo sakin ha"

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon