Chapter 12
"Yes my Bella.. I like you a lot."
"Even though I shouldn't.."
Nagising ako at naramdaman ko ang pag sakit ng ulo ko. What the hell happened. Totoo kaya na nangyari yun.. totoo kaya na gusto ako ni Gio? Pero bakit sinabi niyang hindi pwede. Anong pumipigil sakanya?
I looked at myself, ito parin ang suot ko kagabi. The girls must be outside already. Hinanap ko ang cellphone ko at nakita na 11:30 na. I'm such a weakling.
Naligo ako at nagayos ng sarili. Hinanap ko sila at nakita ko sila naglulunch. Si Danna, Loise, Devi, Yvo, David, Eunice and Gio. I was actually confused and surprised that Yvo was here.
Nagkatinginan kami ni Gio pero agad din siyang umiwas at kinausap si Eunice. Maybe that was just a dream.
"Here comes Sab! May hangover pa yan oh!" hiyaw ni Devi. Nagtawanan naman ang lahat except for Eunice and Gio. They are busy with each other.
Tumabi ako kay David since yun nalang ang bakante. Danna's beside Yvo and Loise. At kaharap ko naman si Gio at Eunice.
Humarap ako kay David. Hindi ko naabutan ang birthday niya because I passed out.
"I'm sorry for last night! Hindi ko naman alam na may alcohol pala yung juice na yun."
"It's fine! It's still my birthday Sab." he said with his perfect smile.
"Happy birthday! I'm sorry talaga hala.."
"Thank you. You should eat first!"
"Grabe naguguilty kasi talaga ako.." sabi ko at ngumuso. This trip is about him. It's his birthday tapos ganon lang ang nangyari sakin. Tinulugan ko lang ang birthday salubong niya.
"Okay fine, spend time with me after you eat para makabawi ka."
Biglang nakarinig kami ng pag ubo. I looked at Gio.
"Are you okay Gio?" tanong ni Eunice sakanya. He looked at her and smiled.
I looked at David and said okay.
After kumain, lahat ay may kanya kanyang plano since it was our last day here at Batangas. Naghiwa-hiwalay kaming lahat. Devi, Loise, Danna and Yvo are going to try the jet-ski. I wanted to come pero naka-oo na ako kay David.
Naglalakad kami ni David sa gilid ng beach. Buti ay mahangin at di sobrang taas ng araw. Dala dala niya ang kanyang camera. Sabi niya ay samahan ko daw siya mag take ng pictures.
"You really like photography huh? Kaya ang ganda ng feed mo sa ig eh."
"Yes pero, mas maganda yung sayo."
"That's not true! Ikaw talaga bolero ka." naalala ko ang sinabi niya saakin sa text.
"I'm telling the truth Sab.."
"Tara na nga! Dun tayo, marami magandang picturan don."
Around 4 pm, bumalik na kami. Napapagod na din kasi ako sa kakalakad and magaayos pa ako ng gamit ko.
"Thank you Isabella.. I had fun. This is probably the best birthday ever.."
"Buti naman nagenjoy ka! Wala sa California ang mga 'to! Only in the Philippines." i chuckled.
"I'm actually planning to extend my stay here.."
"Really?! Bakit?"
"Wala.. To know you more, maybe?"
"I want you to know that I like you Isabella.. Yung konting panahon na nakilala kita is not enough. Gusto ko pang makilala ka.."
Naspeechless ako sa biglaang pag amin niya. What do I have to say? David is really nice. Masarap kasama at kausap. But, that doesn't mean that I like him.
"I don't know what to say.." I actually dont.
"It's okay! Hindi naman kita minamadali. I just want to let you know that you're special to me.."
He held my hand and kissed the back of it.
After that, bumalik ako sa villa. Wala pa dito ang iba. Inayos ko nalang ang gamit ko at nagpahinga. Binuksan ko ang cellphone ko at nagbrowse sa Instagram.
I was shocked when I saw a picture of me na pinost ni David. It was a stolen picture na nasa beach, I was smiling from ear to ear. Probably dahil sa joke na sinabi niya doon kanina. I didn't know na napicturan niya ito. Wala itong caption, pero ang dami nang comment at likes. They are all assuming na girlfriend ako ni David!
But then, I saw a reply from David.
"Sadly, she's still not mine.."
When they got back, nagayos lang din sila at nilabas na namin ang gamit para maisakay na sa sasakyan. Narito na ang lahat sa labas.
"Sab.. uhmm" sabi ni Danna habang napapakamot siya sakanyang ulo.
"Hmm?"
"Kay Yvo kasi ako sasabay.."
"It's fine! Kina Loise and Devi nalang ako sasabay.."
"Sorry Sab.. maliit na kotse lang kasi ang dala ko eh. Devi here has so many things kaya puno ang likod. Baka di ka maging comfortable sa byahe." sabi ni Loise.
"Isasabay ko nalang siya." prisinta ni David.
"That's right Kuya! I'll go with Gio para magkaron kayo ng alone time." sabi naman ni Eunice.
"Ok—"
"Sumakay ka na ng kotse ko Isabella." dire-diretsyong sabi ni Gio, hindi niya pinansin ang lahat. Kinuha niya ang gamit ko at sinakay sa kotse niya.
"Gio!!" iritang tili ni Eunice.
Gio's eyes looked at me, not minding Eunice. "Sasakay ka ba o isasakay kita?"

BINABASA MO ANG
Owned By You
Подростковая литератураIsabella Alcantara and Giovanni Leviste's Story