Chapter 17

123 13 4
                                    

Chapter 17

I was walking in the mall alone. Dahil busy nga sila Danna, mag-isa ako ngayon. Nagtataka na tuloy ako bakit mas busy sila sakin na graduating? Napaisip tuloy ako sa mga school requirements ko. Tapos ko naman na iyon lahat, wala naman na dapat akong problemahin.

I honestly don't know why I went here alone. Ayoko lang umuwi agad sa bahay. Gio's kinda busy with basketball too. Ayoko na din makaistorbo. Wala naman akong kailangan na bilhin but a little shopping won't hurt. Hindi naman parati. Pumasok ako sa isang store, naghahanap ng magugustuhan.

Nadaan ako sa isang store na puro basketball shoes. Naalala ko bigla si Gio.

"Uy ikaw pala yan!" Napalingon ako sa nagsalita. Napakunot-noo ako. Parang familiar yung mukha niya.

"Hi Ms. Isabella Alcantara! Ace Dela Cuesta remember?!" He said while asking for a handshake. Nagulat ako. I remember him of course..

"Sorry, I don't know you."

"Talaga? Nilibre mo nga ako ng tubig tapos di mo ako maalala?"

"Fyi, di kita nilibre. Wala na lang akong choice kasi ang kulit mo!"

"See! Naalala mo nga ako!" Natigilan ako. Ugh Isabella! I looked at him at ngiting ngiti naman siya. Tumalikod ako at naglakad palayo.

"Teka Ms. Isabella Alcantara!"

Huminto ako at humarap sakanya. "Kailangan ba talagang isigaw mo pa buong pangalan ko?"

"So, Isabella nalang kasi friends na tayo? Hmm, how about Isa? Sab? Bella? Para close friends na tayo!"

I sighed out of frustration. Grabe yung kulit ng isang to. "Isabella nalang."

"Ace! Pwede ding A or C or E, para close friends na tayo!"

I faked smile. "Aalis na 'ko."

"Agad?! Let's have a drink first! Treat ko na tutal treat mo naman na nung una tayong nagkita." Sabi niya pa sabay kindat.

"What? No thanks!"

"Ang sungit mo! Binibiro ka lang eh! Tara na!" Hinawakan niya ang braso ko at hinatak. Pumasok kami sa isang cafe sa loob ng mall.

"Anong order mo?"

"Hindi mo na 'ko kailangan ilibre. I can pay mine."

"Na-ah! Di ako papayag."

Nilabas ko ang bayad ko at nilagay sa harap niya. Bumuntong hininga 'to at kinuha yung pera. Nagulat ako dahil bigla niya itong nilagay sa bag ko. Tinignan ko siya ng masama pero nginitian lang ako nito.

"Ikaw ang ganda ganda mo, pero ang sungit sungit mo naman. Totoo nga ang sabi ng iba, nobody's perfect." Sabi niya sabay tawa.

"Ikaw ang daldal daldal mo."

"Pero ang pogi pogi diba?"

"Hindi din."

Sakto pagdating ng order namin ay tumunog ang cellphone ko. Gio's name flashed in the screen. Sinagot ko ito.

"Asan ka?"

"Sa cafe near the main entrance. How about you?"

"Stay there."

At bigla niyang pinatay ang tawag. Tsaka ko naalala na kasama ko si Ace ngayon. Bigla akong nagpanic ng bahagya.

"Una na ko!" Sabi ko at tumayo.

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon