Chapter 8
Napakapaasa! That's all I can say for Gio. May girlfriend pala siya pero pinaparamdam niya pa na may gusto siya sakin. Nafrustrate nanaman ako bigla.
Umupo ako sa pinakagilid at medyo gitna. Ayokong pumwesto sa pinakalikod dahil alam kong doon pwpwesto si Gio.
Nakita kong pumasok si Gio. Dali dali kong binuklat ang libro ko at nagkunyareng nagbabasa.
"Advance reading huh?" ani niya at umupo sa upuan sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang ang mga mata ko sa libro. Naiinis talaga ko sakanya!
"How's your leg?"
"It's fine." sagot ko nang hindi siya nililingon.
Dumating na din ang teacher kaya hindi na niya ko kinausap ulit. Nang natapos ang klase ay gustong gusto ko na umalis ngunit di padin ako makapaglakad ng maayos at mabilis.
"Tulungan na kita."
"No thanks, kaya ko na ito Gio."
"I insist." hindi niya na ako hinintay pang pumayag at hinawakan na lang niya ang braso ko para maalalayan ako.
Tahimik kami pareho habang naglalakad. I don't know. Hindi na dapat ako magkacrush sakanya since he have a girlfriend.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya ng nasa parking na kami, waiting for my driver.
Nataranta ako sa tanong niya. "No! Why would I diba? Ano ka ba."
"Isabella." Damn. Ang sarap pakinggan. It's the first time na sinabi niya ang aking pangalan.
"What's wrong?"
"Nothing's wrong! Uh you can go now! Malapit narin naman si kuya Isko. Thank you."
Magsasalita pa sana siya pero natanaw ko na ang aming sasakyan. "I have to go! Thank you ulit." Hindi ko na hinintay ang sagot niya, dalidali akong sumakay ng kotse at doon nakahinga ng maluwag.
Paglingon ko ay nakita ko ang paglingon niya sa babae. Napayuko ako. Yung girlfriend niya. Ngiting ngiti yung babae habang nakatingin sakanya halatang in love na in love.
Maybe I should uncrush him? Pwede naman yon eh diba? Choice mo na macrush-an siya, may choice ka din sanang umayaw diba. Hirap din kasing magkacrush sa may girlfriend na.. masakit.
"I so hate him! Sobrang hangin at sobrang yabang! Akala mo talaga kung sinong gwapo. He's so full of himself!" Ang aga aga, Danna's here ranting about Yvo. We're currently at Starbucks, just chilling. Kailangan kasi lumamig yung ulo ng kasama ko.
"Bakit ba hate na hate mo siya ha?" I teasingly asked.
"Tigilan mo nga Sab! I don't like him."
"Oops. Wala naman akong sinabing gusto mo siya." sabi ko habang natatawa. She's so defensive.
"Napaghahalataan ka ah." She just rolled her eyes and natawa lang ako don.
Napatigil ako ng may nagapproach sakanya.
"David!" tili ni Danna sabay yakap dun sa lalaki ng mahigpit.
"Oh my gosh! I can't believe you're back! I missed you!" Danna said and hugged him again. The guy just laughed, siguro ay overwhelmed.
"You're still loud." sambit nito.
"Oh by the way! This is Isabella. Isabella, this is David."
He offered his hand for a hand shake kaya tinanggap ko iyon. "Isabella."
"David. Danna's cousin." then he smiled. Nasa dugo ata nila nanalaytay ang pinakamagagandang genes sa buong mundo.
"I can't believe you're really here na! Will you stay at our place pls!!"
"Ofcourse, my things are already there and your pasalubong too." he chuckled. Ang cute ng pagtagalog niya!
Hinaya ako ni Danna sakanila pero tumanggi ako. Nakakahiya naman dahil may umuwi silang kamaganak galing ibang bansa. Hindi naman ako family at hindi na ata magiging.
"You should come. Para naman hindi ako masyado kulitin ni Danna." he said with his smile on. Hindi ba napapagod ngumiti ito, kanina pa siya ngiting ngiti. Sabagay kung may maganda ka namang ngiti, why not.
Sa huli ay nahatak din ako ni Danna. Pagdating sakanila ay naghanap agad ito ng pasalubong sa mga gamit ni David. Nakaupo lang kami sa sofa habang si Danna ay busy sa paghahalungkat.
"Are you classmates?" Medyo nagulat pa ako sa pag kausap niya sakin.
"No. I'm a year older."
"I see, it's a good thing that she has a friend that is older than her. Baka magmature na siya kung sakali." he laughed at natawa din ako don.
"You are from?" It's my time to ask.
"LA, California"
"Wow! And you're here for?"
"Wala lang. Vacation or something?"
"Wow naman. When are you coming back?"
Natawa siya. "Pinapaalis mo na ba agad ako?"
"Oy! Hindi. I'm sorry to offend you. I was just asking! Nevermind na nga." ngumuso ako.
"I honestly don't know when, i mean i just got here tsaka parang mag eenjoy ako dito sa Pilipinas." then he smiled while looking at me.
"David."
"Kuya!"
"Gio!" Tumayo si David at niyakap si Gio. Napatingin si Gio sakin, agad akong umiwas ng tingin.
"Kailan ka pa dumating?" tanong nito kay David.
"Kanina lang. Nalaman ko na Danna is in the mall kaya pinuntahan ko siya and I met Isabella there." lumingon sakin si David and I just smiled.
"You should've text me. Ako sana ang sumundo sayo."
"I'm fine bro! Where's Eunice?" Who's Eunice?
"She's with me and she's already enrolled by the way." sabi ni Gio. Umupo siya sa sofa, medyo malayo saakin. Nakita kong nakatingin siya kaya pero di ko siya tinitignan.
"Thank you Gio! Sana di pinasakit ng kapatid ko ang ulo mo." So, he has a sister.
"Welcome back brother!!"
Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang. It's Gio's girlfriend! She's Eunice? Magpinsan sila? Eh bakit ganon na lang siya makadikit at makatingin kay Gio?
Tumingin ako kay Gio, nakapikit siya. Mukhang pagod na pagod. Eunice hugged her brother tapos tumabi kay Gio. Nilagay niya ang mga braso ni Gio sakanyang balikat.
"Eunice."
"Why kuya? Gio doesn't mind! Right, Gio?" Hindi siya pinansin nito.
I looked at Danna. Nakita kong nagphophone nalang siya kaya nilapitan ko na. Napatingin siya sakin at napatingin sa gawi nila Gio at Eunice.
"She's adopted and gustong gusto niya si Kuya Gio." she whispered.
