Chapter 5

152 24 18
                                    

Chapter 5

I was in a good mood the next day, sobrang kilig na kilig ako sa pag accept niya sa friend request ko. Feeling ko friends na din kami personally omg!

"Ngiting ngiti ang señiorita namin ah." puna ni Maria.

"Maria, pwede mo ba ko tulungan magbake ng cake?"

"Bakit? Pwede ka naman umorder ah?" nagtatakang tanong niya.

"Ehh.. gusto kong ako mismo gumawa eh. May pagbibigyan ako.."

Unti unting lumapad ang ngiti niya. Napakamapangasar talaga neto.

"Uyyy kanino mo naman ibibigay? Dun sa crush mo na natapunan mo ng juice?! Sino nga ulit yon??"

"Ano ba! Thank you gift lang eh. Tulungan mo nalang ako!" sabi ko habang natatawa.

Natatawa o kinikilig Isabella? Yung totoo??

Binigyan niya ko ng isa pang mapangasar na tingin at ngiti. Hay nako talaga to di nalang ako tulungan eh.

I liked baking pero never ko naman napeperfect, actually di ko parin ng masabi kung marunong ako eh. Alam ko lang gusto ko.. kaso di ata ako gusto.

Pero syempre espesyal to sakin, pinilit ko magbake. Nagpaalalay ako kay Maria para maging perfect kahit papaano. Sana magustuhan niya to.


Pagpasok ko ng school ay agad ko siyang hinanap. I texted Danna pero hindi niya daw alam ang whereabouts ng kuya niya. Saan ko kaya makikita yon?

I wanted to look for him pa kaso may class pa ako.

May teacher na nung pagpasok ko buti nalang ay di ako napagalitan sa pagka late ko.

Pagkaupo ko ay naglabas din ako agad ng mga libro. Algebra ang subject ngayon, tulad ng baking ayaw din sakin ng algebra. Ewan ko ba.

Teka.. algebra yung subject na pareho kami ni Gio!

Hinanap agad siya ng mata ko. Nakita ko siya sa likuran na nakikinig.

Nahulog nanaman..

Yung puso ko.

Nang matapos ang klase ay dali dali akong tumayo at pumunta kay Gio.

Napatingin siya sakin nung nasa harapan niya na ako. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Abot mo lang yung cake at magthank you ka Isabella.

"Uh-uhm."

Tumaas ang isang kilay niya. Lahat ata ng gawin neto, kinikilig ako jusko.

"Th-thank you nga pala sa kahapon." sabi ko sabay abot ng cake sa harap niya.


"Oh my gosh guys! Look, may binibigay siya kay Gio."

"Thank you daw sa kahapon? Omg. What happened yesterday?!"

"May bago nanaman manliligaw si Gio."

Hindi ko nalang pinansin ang mga naririnig ko. I just really want to say thank you sakanya. He saved me and sobrang big deal non saakin.

"You're welcome." sambit ni Gio tsaka tumayo at umalis ng hindi manlang kinuha yung bigay ko.

Narinig kong tumawa ang mga kaklase namin. Napayuko ako at umalis nalang.



Sana tinanggap man lang niya. Kahit di na niya kainin eh. Tanggapin niya na lang tas itapon niya nalang kung ayaw niya.

Bakit ba ganon yon? I should ask Danna bat ang sungit ng kapatid niya. Pinaglihi ata sa sama ng loob yon.

I texted Danna na magkita kami sa tambayan ko sa soccerfield.


"So totoo nga ang chismis.." bungad ni Danna.

"Ang bilis naman makarating sayo."

"Well, kalat na sa buong campus."

Napayuko ako. Nakakahiya ka Isabella. Sana di mo nalang ginawa.

"Hayaan mo na. Hindi naman ikaw ang unang gumawa niyan. Marami na kayong na isnob!" asar ni Danna.

"Wag mo na ako tawanan. Im broken." natawa lalo siya sa sinabi ko.


"Pagpasensyahan mo na si kuya! Laging meron yun."

"Oo nga! Porket gwapo? Psh. Sayo na nga lang tong cake na to."

"So ano girl? Di mo na siya crush ganon?"

"Crush padin! Pero galit ako sakanya ngayon! Pinahiya niya ako sa maraming tao!"

Nagpatuloy siya sa pagtawa. "Jowa lang ang peg?"

I just rolled my eyes.


"Ano? Malapit na ba si kuya Isko?" tanong ni Danna. Malamang alam niya na yung nangyari.

"Malapit na daw siya. Sige na Danna, mauna ka na. Salamat!"

"Sure ka ba? Baka mangyare nanaman yung kahapon ha."

Sana nga Danna..

Don't get me wrong ha. Ayoko mapunta sa sitwasyon na yon ulit pero gusto ko lang na mapansin ako ni Gio. Kahapon kasi naramdaman ko na parang kilala niya ko, na pwede kaming maging mag kaibigan.

Gosh Isabella! You're crazy.

"I'm sure!! Thank you! Ingat ka ha?" sambit ko at nakipagbeso sakanya.

"Alright! See you tomorrow Sab!!" she waved goodbye and I did too.



After 3 minutes dumating na din si kuya Isko.
Pasakay na ako ng may bumusina.

It's Gio's car..

"Ma'am bilis po! Nakaharang po tayo."

"Oh.."

Tinignan ko muna si Gio ng masama bago sumakay ng kotse. Akala ko ay hihingi na siya ng tawad. Psh. Akala naman niya talaga.

"Tara na kuya! Di na makahintay yung mokong na nasa likod natin eh."

Nang makauwi ako ay kinamusta ako ni Maria. I'm still pissed kaya sinabi ko nalang na natapon yung cake.

Mahirap ba tanggapin yung cake? Hindi naman diba? Or sana man lang he smiled, para makita ko na kahit papaano naappreciate niya diba! May pa text me text me pa siya hindi niya nga tinanggap yung bigay ko!

Ugh. Nakakainis ka Giovanni.

Danna Leviste sent you a photo.


It was Gio... eating the cake I baked.

My heart, my soul..

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon