Chapter 15

127 15 36
                                    

Chapter 15

Kanina ko pa tinitignan ang mga bulaklak na bigay niya. It's my first time receiving a bouquet of flowers. I took a picture of it para may remembrance.

"Totoo nga ang balita.. hmm"

Napatingin ako sa nagsalita. It was Danna, Loise, and Devi. May mga mapangasar na ngiti sakanilang mga labi.

"So? Kayo na?" Loise asked.

"No!"

"Wow maka 'no!' ka dyan girl ha! Gio Leviste na yan!" sabi naman ni Devi.

"Uy may hidden desire kay kuya!" asar naman ni Danna.

"Ano ba! Alam niyo naman Team GioBella tayo dito!" Natawa naman ako kay Devi.

"Hindi pa kami!"

"Take note for the word 'pa'" sabi ni Loise at nagtawanan kami.

I was already waiting for Kuya Isko dahil hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang tinutukoy ni Gio sa sinabi niya na 'See you later.' Sa pag-kakaalala ko ay wala naman kaming usapan?

May huminto na kotse sa harap ko. Hindi ko ito pinansin. Bumaba ang salamin at tumambad sakin si Gio.

"Uy, Gio ikaw pala.."

"Hi Ma'am! New driver niyo po ako." Lumabas ito at pinagbuksan ako ng pinto. Ano ba ang trip ng lalaking 'to?

"Seryoso ka ba?"

"Do I look like I'm joking Ma'am?" sabi niya pa with smile.

"Sasakay ka o isasakay kita?"

Tinignan ko siya ng masama. Tinawanan lang ako nito. Sumakay ako sa sasakyan niya at ganon din siya.

"Kung driver kita, edi dapat nasa likod ako?"

"You're fine there Bella." Natawa ko sa pagseryoso niya. Mabilis pala talaga mapikon ang isang Giovanni Leviste.

"Where are we going?"

"Hmm, you'll see."

"May pasok tayo bukas ha! Baka naman kung saan mo ako dalhin!"

"I know. Chill baby."

Paano pa ako magchichill niyan Giovanni!? Do you really have to?? Shet, my heart.

"Did you like the flowers?"

"Ahh yes, thank you pala."

"I hope you really liked it."

"Oo naman 'no" Sobra kaya! Napatingin ako sakanya. He was wearing jersey shorts and white shirt.

"Galing ka ng practice?" I asked.

"Yes, may game kami this week eh."

Napansin ko na puro puno nalang ang nadadaanan namin. "Really? Saan?"

"The school near our school. Sila ang makakalaban namin." I just said okay. I am sure some of our teachers will not have class that day. Lakas kaya ng suporta ng basketball team ng school.

"You want to watch?"

"Huh?" Huh means yes guys. Pakipot tayo onti.

"Nevermind. Baka may gagawin ka."

"No, i'll watch!" Napatingin siya sakin. "Uhm kasi manonood din sila Danna. Sasama lang ako."

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon