Chapter 3

178 25 16
                                    

Chapter 3

Mabilis lumipas ang araw. Mamaya na ang party na sinasabi ni Danna. She already texted me the details.

"Grabe!! First time ata tong nangyare sayo Isabella!" sambit ni Maria.


Tinutulungan niya ko ngayon humanap ng damit para mamaya. Sabi ni Danna ay casual lang naman daw.


"Ang saya saya ko for you Isabella." Maria hugged me.


"Ikaw naman. Di pa naman ako grgraduate" sabi ko pero i hugged her back. She's my bestfriend.


"Graduate ka na sa pagiging loner!! Congratulations Isabella Alcantara!!" tili niya.

Loka talaga to. Natawa nalang ako sa pinagagawa niya.


I picked a black casual dress lang tapos i matched it with a not so high heels. Sa bahay lang naman daw nila Danna ang party since cinicelebrate lang nila ang success ng inorganize nila nung foundation week. She's part of the student council kasi.


Nilagyan ako ni Maria ng onting make up para presentable naman daw. I dont mind wearing make up naman kasi pag sinasama ako nila Daddy sa mga gatherings and stuffs, kailangan ko din magmakeup ng onti kahit papaano.


6pm nung nagpahatid ako kay Kuya Isko sa address na binigay niya. Naririnig ko na ang malalakas na tugtog mula sa loob.


"Ma'am, anong oras ko po kayo susunduin?" tanong ni Kuya Isko.


"I'll just text you po Kuya. Thank you."

"Enjoy ka ma'am ha! Matutuwa ang mommy at daddy mo dahil may mga kaibigan ka na ngayon."

"Salamat po Kuya. Ingat po."

"Ikaw din po Ma'am Isabella"


Lumabas ako at sumalubong sakin si Danna.

"Oh my gosh Sab!!! Ikaw ba yan? Sobrang ganda mo!" bungad niya saakin.

Natawa ako at nakipagbeso sakanya.

"You're so pretty!! Congrats pala ha."


"Thank you! I'm glad you came!! Pasok tayo sa loob."


Pag pasok ay nakita ko ang mga schoolmates namin. Ang laki ng bahay nila. Ang buong garden nila ay parang isang malaking events place. May pool pa. We also have our pool pero mas malaki ang kanila. Sobrang yaman siguro ng pamilya ni Danna.



"Ang ganda ng bahay niyo." sabi ko kay Danna.



"Thank you!! It's a gift for me and my brother."


"May kapatid ka? I didnt know!! Sa school din ba siya nagaaral?"


"Omygod. Gio!!!" narinig kong sigaw ng isang babae. Napatingin naman ako sa papasok na si Gio.



Shit.. He's really here.



Nagpapalpitate yung puso ko jusko. Kinikilig ako na ewan. Ganto ba magkacrush?

I laughed at my self.


"Maiwan muna kita dito Sab!! I'll be back okay? May kailangan lang ako asikasuhin sa loob."



I nodded. Umupo lang ako sa parang bar beside the pool. Wala naman nagswswimming. Marami lang umiinom ganon.


This is new to me. Everything is new to me.

Yung magkaroon ng kaibigan..

Yung makasama sa party..

Yung magkacrush..

Di ko akalain darating yung araw na to.


Umorder ako ng juice. I dont drink. Boring na ba ng buhay ko?


"Hi."


Napatingin ako sa tumabi sakin na lalaki. Nakikita ko siya sa school. Kasama din ata siya ni Gio nung natapunan siya ng juice.


"Uh hi." I smiled awkwardly

"Ngayon lang kita nakita. You are?"

Nagiba ba talaga itsura ko??


"Isabella. I'm the transferee."


"Oh shit! Really?! Yung nakatapon ng juice kay Gio??" amazed na tanong niya.


"Uh yep." sagot ko.

"Ang ganda mo pala pag naayusan."

I just smiled. Aware naman ako sa mga lalakeng katulad niya. Nababasa ko sa mga stories ang mga kagaya niya. Mga malalanding lalake tas iiwan ka lang din pag pinagsawaan ka na.

"Ivan."

Napatingin kami pareho sa malamig na boses na narinig namin.

"Gio pare!!"

Nanigas ako bigla sa kinauupuan ko. Shit my heart is beating fast. Ang lapit niya sakin.

"Remember the girl na nakatapon ng juice sayo?? Siya yon. Look ang laki ng pinagbago niya sa ayos niya right?" sabi netong Ivan.


Nakita kong tinignan ako ni Gio at iniwas ang tingin.


"Hinahanap ka ng team." sagot niya lang dito.

After that, umalis na sila pareho. Nakahinga ako ng maluwag. Asan na ba si Danna. Sabi niya ay babalik din siya kaagad.


Mabilis lumipas yung oras. Binabalik balikan naman ako ni Danna. Minsan ay pinapakilala niya ko sa mga kakilala niya at minsan ay umaalis ulit ito para asikasuhin ang ibang bisita.

10pm na nung napagpasiyahan kong umalis na. Hindi pa tapos ang party pero i think i've had enough silay na..

Well, tanaw na tanaw si Gio dito sa pwesto ko. Nageenjoy tuloy ako kahit magisa. He's really the masungit type of guy. Nakikitawa siya pero madalas nakakunot ang noo.

Pero ang gwapo padin.

I texted Kuya Isko na sunduin nako.

Now kailangan ko lang hanapin si Danna para makapagpaalam na.

Pinagisipan ko pa kung papasok ako sa loob ng bahay nila but since everyone's doing it, pumasok na ako.

"Danna.." mahinang tawag ko.

Walang tao eh. Nasa labas lahat, pero may ilang ilang pumapasok. Hindi ko din naman makita si Danna sa labas.


Walang Danna akong nakita kaya lalabas nalang sana ako ng nakaharap ko si Gio.


"Gio.." mahinang sabi ko.

Nagtaas ang kilay niya.

Ang gwapo.

"SAB!!!"

Danna!! Thank God!!!


"Oh.." sabi ni Danna ng nakita din si Gio.

"You've met my brother na pala."

Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya.

ANO?

Brother?!

"He's my brother Sab!! Hindi mo talaga ako kilala una palang eh no? Ang cute! You're the first." natatawang sabi niya.


Why didn't I search her on the internet nga pala no?

Sinabi mo sa kapatid ng crush mo na crush mo ang kuya niya?



Oh shit Isabella.

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon