Chapter 13

117 17 27
                                        

I appreciate the votes and comments. Thank you so much ❤️

Chapter 13

I looked at Gio na nakatitig lang sa daan at nagdrdrive. He looked so serious right now. We've been driving for almost an hour now. Madilim na din ang langit at naguunahan lang kaming mapanis ang laway dito.

I wanted to ask kung bakit ganon ang in-act niya kanina. Ayaw niya ba akong sumabay kay David? Obviously. But why? Totoo ba yung panaginip ko? But then, ano yung pumipigil sakanya? Ugh. Ang dami kong tanong pero hindi ko maitanong sakanya.

"We'll eat sa susunod na stopover."

"Okay."

Tumingin nalang ako sa labas, nagmuni-muni. Balak ko sana umidlip muna.

"Don't sleep. Malapit na tayo. I don't like waking you up when you're in deep sleep." dire-diretsyo niyang sabi.

"Okay fine."

Buti sana kasi kung kinakausap niya ko sana ay naaliw ako. Nakakaantok kaya pag puro music nalang naririnig mo.

Gio wanted me to decide where will we eat. Since, wala ako sa mood sabi ko ay sa kung saang fast food restaurant nalang. Habang kumakain ay, tahimik parin kaming dalawa.

"Are you mad?"

"Why would I be?"

He just sighed. Ang labo mo Giovanni.

Then after that, bumyahe na din agad kami. Natulog nalang ako since wala din naman ako magawa. Pag-gising ko ay nasa harap na kami ng bahay namin.

"Kanina pa ba tayo andito? Dapat ay ginising mo na 'ko." sabi ko habang kinukusot ang mata ko.

"Ang himbing ng tulog mo eh, I don't want to disturb you.."

"Ahh. Anyways, thank you for the ride. Sorry din sa abala." I was about to go down nang hinawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya.

"Bakit.."

Binitawan niya ang kamay ko kasabay ng pagpikit ng mariin. "Wala. Magpahinga ka na. Naipasok na namin ni Kuya Isko ang gamit mo sa loob."

Halos matulala ako sa nangyayari. Hindi ko alam pero parang may iba. Hinintay niya akong makapasok bago niya pinaandar ang sasakyan at umalis.

Everyone in the house greeted me. Kuya Isko was thankful for Gio dahil inalagaan daw ako neto the whole trip. Maria asked me so many things pero I just want to rest first kaya dumiretsyo na ako sa aking kwarto. Nakatulog nalang ako sa pagiisip kay Gio at sa nangyayari sa amin.

The next day, pinilit ko pumasok kahit pagod from the Batangas trip. In the afternoon, nagkita kami nila Danna, Loise, and Devi. Buti ay di sila busy ngayon.

"Pag grumaduate ka na Sab, hindi ka namin makakasama sa ganito. That's sad!" sabi ni Devi.

"Pwede naman tayo magbond sa weekends pag ganun diba."

"What course ba ang kukunin mo?" tanong ni Loise.

"Probably, related sa business. Yun ang gusto ng magulang ko for sure."

My parents are so dedicated to our business. So I think, matutuwa sila kung ang kukunin 'ko na course ay makakatulong sa business namin.

"But what about, what you want?" seryosong tanong ni Danna.

"Ok din naman iyon. I just want to make my parents proud and I can feel naman na I fit sa corporate world."

"You're lucky na gusto mo ang gusto ng parents mo para sayo." Danna said.

"But ofcourse, kung may gusto naman akong iba. I can talk to them naman. I'm sure maiintindihan nila."

"Lucky." Danna just laughed.

Uwian na and I was waiting for Kuya Isko sa parking, wala na yung tatlo dahil may gagawin pa daw sila na school related stuff.

"What the hell."

"Eunice.."

"Are you waiting for Gio? Such a flirt!"

"No, i'm not. Hinihintay ko ang driver ko. So please.. ayoko ng gulo."

Tatalikod na sana ako nang hablutin niya ang buhok ko. Napa-aray ako sa sakit dahil don.

"Ano ba Eunice!" 

"Liar!! Bitch! Flirt!" sigaw niya habang patuloy lang sa pagsabunot at pagkalmot sakin. Sa sobrang sakit ay naiyak na ako. I wanted to fight back, but this girl is just so strong. Hindi ako makalaban! Sanay na sanay na ata itong makipagaway!

"Eunice!"

"Ma'am Isabella!"

Sabay na pagdating ni Gio at Kuya Isko. Hinatak ni Eunice si Gio palayo sa akin. Dinaluhan naman ako ni Kuya Isko.

"Fuck! What the hell are you doing Eunice!" sigaw ni Gio. Nakita kong galit na galit siya. Si Eunice naman ay parang pusa na kawawa. Kanina lang ay para siyang tigre. Umirap ito tsaka umalis. I can't believe this girl!

I can see frustration all over Gio's face. Nilingon niya ako. Lalapitan niya sana ako nang pinigilan ko siya.

"I'm sorry.."

"Let's just pretend na hindi natin nakikita at kilala ang isa't isa. I don't want this to happen again." I said before turning to Kuya Isko. "Tara na po Kuya Isko."

I just want a normal highschool life. Gusto ko lang dati na mag fit in dito sa eskwelahan na ito. Gusto ko lang magkaroon ng kaibigan and Eunice being mad at me will not help me to get that normal highschool life na gusto ko. Hindi ata matatahimik ang buhay ko sa babaeng 'yon.

And me and Gio? Malabo. Magulo. Kaya mas magandang hindi nalang kami magkakilala. It's just a crush, mawawala din naman ito.

I cried as soon as I entered my room. Nasaktan ako physically and emotionally. Sino ang niloko ko? The feeling I have for Gio is not just a simple crush. It's probably more than that.

It it's not love, then why does it hurt so much than these wounds..

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon