Chapter 7

139 17 34
                                        

Chapter 7

The next day, hindi ko na siya nakita sa bahay nila sabi ni Danna ay maaga daw umalis. Siguro ay nagpunta na siya sa training nila.

What he said last night kept me up all night. Anong ibig sabihin niya don diba? Does he like me? He wants to be my boyfriend? Ugh it's so frustrating!

Hinatid ako ni Danna sa bahay dahil gusto niya makasigurado na ok ako. Ika-ika pa ako maglakad dahil ang sakit padin talaga.

"I'm sorry for what happened again Sab!"

"Ano ka ba Danna! Wala ka namang kasalanan!"

"Bakit ka kasi di nagiingat!?"

"Alam mo parehas kayo ng kuya mo!" i laughed.

"May utang ka nga palang kwento ha?" sabi niya sa mapangasar na tono.

"It was nothing! Ang clumsy ko lang talaga yes, and nasakto na lumabas si Gio!"

"Oh cmon Sab! Hindi naman yun ang kwento niya!"

Nagkwento siya kay Danna? Why? I mean, para saan diba? Siguro crush niya talaga ko? Omg!

"Okay fine! I was just checking kung saan yung kwarto niya and nahuli niya ko tapos nataranta ako sa presence niya and then this happened." sabi ko habang turo ang right leg ko.

"Ohhh.. that was it pala! Hindi siya actually nagkwento. Why would he diba? And di naman talaga sakin nagkwkwento si kuya!"

What? I thought nagkwento siya. Umasa naman ako na what happened last night was something. Na para sakanya ay may something din.

"Ugh. I hate you Danna! Sabi mo.."

"I just had to para magkwento ka!" she laughed.

"I'll go ahead Sab! See you on monday!" then she gave me cheek-to-cheek kiss.

"Alright! Take care Danna!"

As soon as she left the house, umakyat na ako sa kwarto. It took forever bago ako nakarating dahil ang hirap umakyat! The struggle is real!

I decided to take a nap, but before that I stalked Gio first. Uh the crush life!

"What do you mean by what you said last night Giovanni..." I asked his picture. Baka pag sumagot ito ay bigla akong makatakbo ng mabilis.






"Ma'am Isabella, may bisita ka po."

Nagising ako sa boses ng isa sa kasambahay namin. Nakatulog pala ako. I looked at her at nakita ko sa likod niya si Gio.

Nagpanic agad ang kalooblooban ko. Inayos ko ang buhok ko at hinawakan ko ang gilid ng labi ko kung may panis na laway ba. What the hell is he doing here?!

"Sabi niya po ay kapatid niya si Ms. Danna and kaschoolmate niyo din daw po siya. Pinaakyat ko na din po siya dito dahil po sa kalagayan niyo ngayon." tuloy tuloy na paliwanag niya.

"It's okay manang, thank you po." She smiled and left.


"Why are you here?"

"I tought you'd say 'I'm glad that you're here'" he smirked then i blushed.

"Well, i just want to check if you're okay na. How are you?"

Why does he care? Crush ba talaga niya ko?

"So kailan mo pa ako iniistalk hmm?"

The hell! Napatingin ako sa phone ko na nakaopen padin and nakaflash sa screen ang profile niya! Shit I just remembered I was stalking him earlier! Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinago iyon.

"Uhh.. a friend of mine told me to check your account. That's all." pagdadahilan ko.

"A friend of yours? You mean my sister?"

"Hindi lang naman siya ang kaibigan ko!"

"Oh really?"

Well, he's right. Si Danna lang nga ang kaibigan ko ngayon but di ko aaminin yon!

"Yes, really!"

"Ahh yun ba yung time na inadd mo ako? Or even before that?" he said with a playful smile.

"I am not stalking you Giovanni!"

"You saying my full name sounds good.."

"Ang creepy mo."

"Says the girl who's listening outside my door."

"Ugh! Naiistress ako sayo. I'm fine! You can go now." This guy is pissing me off! Crush ko siya pero damn ang galing niya lang mangasar.

He let out a chuckle. Ahhh he's so cute. I hate him and like him at the same time, is that even possible?

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya iyon at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Sino kaya iyon? Bakit ayaw niya sagutin sa harap ko.

"I need to go, I'll see you at school."

Hindi na ako nakasagot dahil sa pagmamadali niya umalis. Sino ba ang tumawag na iyon at parang importanteng importante. Nagmadali pa siyang umalis. Hindi kaya ay girlfriend niya iyon? Pero wala naman akong nababalitaan na may girlfriend siya.

I suddenly felt jealous.. Ang swerte siguro ng babae na iyon. I mean, he's Giovanni Leviste. Aside from the looks, matalino din ito. I heard it from my schoolmates. Kahit daw ay subsob sa pagtrtraining sa basketball ay di niya pinabayaan ang pagaaral. Mapangasar pero mabait.. he saved me remember. Siguro kung iba iyon ay pinabayaan nalang ako dahil takot na madamay pa sila.

I sighed.



Monday came and ang aga aga nafrfrustrate ako. I can't walk properly plus ang laki ng pasa ko sa right leg ko. Kitang kita dahil hindi natatakpan ng uniform namin iyon.

Sinalubong ako ni Danna sa school. Inaalalayan niya agad ako maglakad.

"Ayaw mo ba ipacheck up yan?"

"Gagaling din ito! Nabugbog lang daw sabi ni kuya Isko."

"Danna!" I heard someone called her. Hindi niya ito nilingon.

"May tumatawag sayo. Sino yon?"

"Ah that's no one. Wag mo na pansinin yan. Tara na."

Hinarang kami ng isang lalaking probably kasing tangkad din ni Gio. Nakatingin ito kay Danna habang ngiting ngiti.

"Damn girl! Ang hirap mo hagilapin!" asik nito.

"Ano ba Yvo! Wag ka na nga makulit! Get out of the way!"

So he's Yvo. Siya yung kaibigan ni Gio, sakanila siya natutulog pag weekends.

"Bakit ba napakasungit mo sakin ha?" Yvo smirked.

"Ang kapal kasi ng mukha mo! Tumabi ka diyan pls? Di mo ba nakikita, my friend here is disabled. Nagmamadali kami!" Makadisabled naman.

"Oh.. Let me help her. Ako na aakay sakanya." pagprprisinta ni Yvo.

"Get your filthy hands off her Yvo!" sigaw ni Danna.

Parang aso't pusa na nagaway ang dalawang ito sa harap ko. Napailing nalang ako. Habang hinintay ko sila matapos magbangayan ay nahagip ng mata ko ang dalawang tao sa parking lot.



It's Gio.. with a girl. Kalalabas lang nila ng sasakyan ni Gio.


May naramdaman akong kung ano sa loob ko. I can't even explain it. That must be the one who called her yesterday. Tama nga ako, girlfriend niya nga iyon.

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon