Chapter 11
David got me and Danna another villa para daw sama sama na kami tsaka yung mga darating na friends ni Danna. Nagayos lang kami ni Danna ng gamit. I didn't bring much dahil 2 days and 1 night lang naman kami but Danna, dinala niya ata ang buong closet niya dito sa Batangas.
"Anong oras darating ang mga friends mo?"
"I can smell your excitement Sab! Mga 6pm pa siguro makakadating yung mga yun dito."
After that, napagdesisyunan namin kumain since wala pa kaming maayos na kain. Danna wore a mustard one-piece swimsuit with a shorts. Wala naman akong plano magswimsuit na pero pinilit ako ni Danna. Sinuot ko ang color white two-piece na dala ko at pinatungan ng off shoulder na dress.
Papunta na kami sa mga kainan ng nasalubong namin si Gio, wearing a shorts and a white shirt. Ang effortless naman netong lalaki na ito.
"Where are you going?" tanong ni Gio at tinignan ako.
"We're going to eat Kuya! Gusto mo ba sumama?" sagot ni Danna.
At ayun nga, sumama saamin si Gio. Umupo siya sa harap ko at sa tabi ko naman si Danna. Pagkatapos umorder ay tahimik kaming tatlo. Busy si Danna sa kanyang cellphone kaya walang maingay. Nakikita ko ang pagtingin ni Gio sa akin pero binabaling ko na lang ang tingin ko sa beach.
Nagring ang cellphone ni Danna kaya napatingin kami lahat dito "Excuse me lang." sabi ni Danna at lumayo muna samin para masagot ang tawag.
Naiwan nanaman kaming dalawa ni Gio. Hindi ko alam ang sasabihin sakanya kaya pinipilit ko nalang libangin ang sarili sa mga nakikita.
"Magswswimming ba kayo?" napabalikwas ako sa bigla niyang pagsalita.
"Ahh oo, hihintayin lang muna namin ang mga kaibigan ni Danna."
"And you're wearing two-piece underneath that?" Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko sa tanong niya. Ano ba naman 'to"
"Y-yes. Bakit ba?"
Naghihintay pa ako ng sagot ng biglang dumating ang order namin at sumunod din ang pagbalik ni Danna.
"Let's eat!" masiglang sabi ni Danna.
"Anong oras darating ang mga kaibigan mo?" tanong ni Gio kay Danna.
"Around 6pm, why? Since when do you care?"
Hindi siya sinagot nito. Natapos kaming kumain at kinita namin si David at Eunice. Sabi ay may inasikaso sila para sa birthday salubong ni David mamaya. Kaya pala walang humahabol-habol kay Gio kanina dahil wala ang pinsan niya.
"I missed you Gio!" narinig kong sabi ni Eunice habang nakayapos sa braso ni Gio.
"Isabella, hi." bati sakin ni David.
"Hi, all set na ba para mamaya birthday salubong?"
"Yes. Hirap ng walang girlfriend. I have to do all the preparations myself." he said while laughing.
"Hirap din pag may girlfriend. Sasakit ulo mo." at tumawa din ako.
"It will be fine with me tho. I will still love her kahit sakit siya sa ulo."
"Wow naman! Maswerte pala yung babaeng yun eh!"
"She is, Isabella."