Chapter 4

150 25 18
                                    

Chapter 4

Weeks have passed. Kahit papaano ay nakakaadjust na ako sa bagong environment. Madalas din kami magkasama ni Danna sa school kahit lower year siya.. pag free time magkasama kami. Im starting to be comfortable being with her. Hindi loner si Danna ha, she had tons of friends.. she's really pretty and famous and kapatid siya ni Gio no. Ofcourse, everybody wants to be her friend.

About that nga pala, ayun tawang tawa siya sa naging reaksyon ko. It's really the first time daw talaga na may nagkacrush kay Gio and di siya kilala.. And she still promised na my secret is safe with her.


Hanggang ngayon syempre tanaw tanaw padin ako kay Gio.


And kaklase ko siya sa isang subject! Di lang daw pumapasok last week kasi nga nagintrams. More silay for me diba.



Honestly, ngayon ko lang naramdaman yung stress because sa mga hinabol kong requirements. Yung projects nung 1st and 2nd quarter kailangan ko padin daw ipasa eh.

Nasa library ako ngayon, kasi may mga case analysis na gagawin.

Danna:

Where are you?


I texted her back. Sinabi ko kung asan ako.


"Ano ginagawa mo dito?" bungad na tanong ni Danna.


"Eto, requirements padin ang kaharap. Sabay sabay na eh" I sighed.


"You need help ba?? Let's eat muna then i'll help you!"


"No thank you!! Maabala pa kita. Kumain ka na Danna!"


"Are you sure?"


"Yes. Go! Kain na."


"Alright! I'll be back!! Dalan kita food! Ciao"



Im thankful for her talaga. Gumagaan ang lahat dito sa school. Patapos na ang lunch break ng bumalik si Danna to give me snacks umalis din siya agad kasi may class pa siya. Although bawal sa library, naipuslit padin. Wala kaming class after lunch break dahil wala yung mga teachers namin that subject so napagpasyahan kong tapusin na yung case analysis.











"Hija mag clclose na ang library. Balik ka nalang bukas." sabi ng librarian.

Napatingin ako sa paligid at wala ng mga studyante. I looked at the clock and 6pm na. Gabi na pala! Buti ay tinext ko si Kuya Isko na itetext ko nalang sya pag susunduin na ako kundi ay kanina pa yon naghintay doon.


"Sorry po. Thank you." sabi ko sa librarian.


Madilim na sa labas. Tinext ko na din naman ang driver ko. Hindi pa nga lang siya nagrereply.

Hindi ako pwede dito sa loob maghintay kasi sarado na ang school kaya lumabas ako at humanap ng mapaghihintayan.


6:30 and wala padin si Kuya Isko. Hindi padin siya nagrereply. I tried calling him pero hindi sinasagot. Asan na kaya siya.


Habang tinatawag tawagan ko si Kuya Isko ay napansin kong may dalawang lalaking naglalakad ma padaan sa harap ko.

Nakaramdam ako ng takot. Chineck ko yung guard sa school. Pero wala, where the hell is he? Paano nalang pag may nakapasok sa school?!


Papalapit na ang dalawang lalaki. Kinalma ko nalang ang sarili ko at nagdasal.

I hope they are not bad guys.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.



"Hi miss.."

Fuck. Parang naiiyak ako sa nangyayare ngayon. Natatakot ako.


Tatayo na sana ako at tatakbo ng hablutin ng isa yung kamay ko. Nagpanic ako at nagsisigaw.


"Bitawan niyo ko!!"

"Bastos!!"


"Eto naman si ate, napakasungit. Kung susunod ka samin di ka namin sasaktan."


Mas lalo akong natakot pero di ako tumigil sa pagsigaw.


"Tulong!!!!"

Iyak na ko ng iyak.


Nagulat ako sa bilis ng pangyayare. Bumagsak nalang yung dalawang lalake sa harap ko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Gio.



"Gio!" i hugged him. Sa sobrang takot ko. Umiyak lang ako habang yakap siya.


Nang nahimasmasan ako ay bumitaw nako sa yalap.

He called the guard para asikasuhin yung dalawang lalaki.

"Thank you.." sambit ko.

"Where's your driver?"

"I don't know. Hindi ko siya macontact..."


"I'll bring you home." sabi niya sabay hatak sakin papasok sa kanyang kotse.


Natutulala ako sa nangyare. I almost got... naiiyak nanaman ako.


"Don't think too much. Text your driver na pauwi ka na."


I did what he said. Tinignan ko siya. I should be happy kasi andito ako sa kotse niya kasama niya.. pero hindi ko magawa dahil sa nangyare sakin.


Inabot niya sakin yung jacket na kinuha niya galing sa likod.


"Here, wear that. Masyadong maliit uniform mo sayo." dirediretsyong sabi niya.


Para saakin ay tama lang naman. Other girls at school wear it like this. It's just that maikli talaga ang palda ng eskwelahan na iyon.


Sinuot ko ang jacket at nagthank you.


"We're here."

"Thank you so much, Gio."

Hindi siya sumagot.



"Hindi ko alam kung ano ng nangyare sakin pag di ka dumating.."


"Next time, text me or Danna pag walang susundo sayo. Magpahinga ka na."



Text him?

Can i get his number??

Are we friends na???



"Okay ka lang ba Isabella?" tanong ni Maria.

"Pasensya na talaga Ma'am. Tinry ko ayusin yung sasakyan ng mabilis dahil malalate ako sa pagsundo sayo kaya din ay di ko napansin ang mga tawag mo Ma'am. Pasensya na po talaga." si Kuya Isko.



"Okay lang po kuya. Okay naman po ako."


"Salamat sa inyo. Magpahinga na kayo lahat." sabi ko sakanilang lahat.


Sila yung mga taong nandito para sakin at inaalagaan ako habang wala ang magulang ko kaya importante din sila sakin.



Nakahiga ako habang iniisip ang nangyari.

Niligtas ako ni Gio.


I checked his fb account again.


"Thank you Giovanni.." i said

And then clicked the friend request button.



Pinatay ko na ang phone ko. Ayoko ng hintayin pa, umaasa lang ako.


At baka nagpapahinga na rin yon, its 1 am already for goodness sake.




Tumunog ang phone ko at dali dali ko itong kinuha.




Gio Leviste accepted your friend request...

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon