Chapter 18
Will you be my date?
Basa ko sa nakasulat sa papel na hawak ko. May kasama pa itong roses at chocolates.
"Uy! Mukhang may date na ah! Galing ba yan kay Gio?" Tanong ni Loise.
"Hindi, galing sa kaklase ko."
It's true. I had to reject him kasi hindi naman okay na pumayag ako pero iba yung gusto kong kasama.
"Shoutout kay Giovanni Leviste!! Galaw galaw!" We all laughed because of Devi.
The class ended, tinext ako ni Gio na magkita daw kami after class so i'm waiting for him now. I saw girls with roses and other stuffs. Dami na ang nagprpromposals. Lakas makavalentine's day naman nitong Soirée.
"Hi!" Halos mapatalon ako sa gulat ng batiin ako ni Gio mula sa likod. Hinampas ko ito.
"Sorry if I made you wait. Shall we?"
Akala ko ay ihahatid lang ako nito pauwi pero dumiretsyo kami sa mall.
"We're here for?" Sabi ko ng hininto niya ang kotse.
Tinitigan ako nito. Bigla naman akong nailang. "Wag mo nga ako titigan ng ganyan."
Natawa siya. "Date."
Saktong pagtingin ko sakanya ay paglapit naman ng mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Eto na ba? Dito na ba mangyayari yung kiss? Dali dali akong pumikit.
Narinig ko ulit ang tawa niya at pagtanggal ng seatbelt ko. I slowly opened my eyes and he was looking and grinning at me. Parang biglang gusto ko nalang magpalamon sa lupa o kaya magpatapon sa mars.
Nauna na akong bumaba at dumiretsyo papasok ng mall. Parang gusto ko nalang magpahatid pauwi pero lalong awkward pag nasa kotse nanaman kaming dalawa.
"We just got here. Wag ka magmadali." May ngisi padin sa kanyang mukha. Nangiinis pa talaga. Huminto ako at hinarap siya.
"Bakit mo ba ko dinala dito?"
"Bakit ka pumikit?"
"Ay ewan ko sayo!" Naglakad nalang ulit ako. I heard him laugh again. Dire-diretsyo lang ang lakad ko. Bahala na kung san kami mapunta basta di mapunta yung usapan sa nangyari kanina.
Humakbang ako para sumampa sa escalator pero bigla akong na out of balance. Gio immediately wrapped his arms around my waist. Sobrang lapit namin sa isa't isa, kinabahan ako na baka marinig niya yung lakas ng heartbeat ko ngayon. Parang nag slow mo ang paligid namin. I suddenly want to stay in this position for a while.
"Be my date, Isabella.."
That wasn't even a question.
Bigla kaming nabalik sa reyalidad nang may umubo na matanda.
"Mga kabataan talaga oh, sa escalator pa talaga naglampungan."
Mahina kaming natawa ni Gio. Hinatak niya ako sa isang store na puro suit ang laman.
"Help me pick my suit?"
"Okay lang ba na makita ko? Ayaw mo ba ng surprise?" Tanong ko dito. Kung ako kasi tatanungin ayoko muna makita niya ang susuotin ko.
"Your heart will still skip a beat kahit ilang beses mo pa ako makita na naka suit."
"Ang yabang!"
"It's the truth, sweety." Inirapan ko ito at pumasok na sa loob.
Namili ako ng mga gusto ko at ganon din siya. Ngayon ay nagsusukat na siya. He looked like a prince in those suits. Bawat labas niya ay parang may anghel na bumaba galing langit. Laking pasasalamat ko nalang na hindi niya ako pinapili kung ano ang kukunin niya, I really don't know kung ano dahil lahat bagay na bagay sakanya. Pagtapos non ay kumain kami.
"May susuotin ka na ba?"
"Wala pa. Baka bukas ko na asikasuhin."
"Do you want me to come with you?"
Muntik ako mabilaukan doon. "N-no need!"
"Why? Ayaw mo ba na makita ko yung susuotin mo?" I nodded.
"That's unfair! Nakita mo nga ang susuotin ko."
"Sinabi ko ba na isama mo ko mamili?"
"So dapat ba iba yung sinama ko?"
"No! How dare—"
Natahimik ako. Nakangiti na agad siya. He really likes teasing me.
"Thank you for today.. Sweet dreams." Then he kissed my forehead. Hinintay niya akong makapasok ng bahay bago siya umalis.
Pagakyat ko ng kwarto ay nagshower agad ako. Napansin ko na may isang maliit na box na nasa table ko. I opened it and it was a pink gold cartier love bracelet with diamonds.
For my beautiful date..
Napangiti ako. "You're so sure, Giovanni.."
A day before the Soirée, me and the girls decided to go to the spa and salon.
"Ahhh sarap" Sabi ni Devi. Nagpapamassage kami ngayon.
"Oh my gosh Devi!" Tili ni Danna.
"Kung sino unang nagreact, green minded.."
Nagtawanan naman kami. After that foot spa naman and the gel polish. It's actually my first time doing all of these. Wala naman kasi akong maisasama sa ganto dati and I prefer na sa bahay nalang.
"Omg Sab! You have to see this! Open your twitter!" Danna said.
Dali-dali na nagbukas ng phone si Loise at Devi. I did the same. Nangunguna sa timeline ko yung picture naming apat na kakapost lang ni Danna. There were tons of comments.
@iaaaan: Kaibigan niyo si Isabella Alcantara?
@i_van: May date na ba si Isabella?
@philphil: Gaganda ng friends mo Danna!!
@proudplayboi: Damn! Ang ganda pala ni Isabella!
@cutiekyle: Yan new crush ko sa mga senior eh!! Pakisabi hi!!
@mjgwaps: Sana masayaw ko kayo lahat sa Soirée huhu
@imejaaay: Hi Danna! Patanong naman kung may date na si Isabella.. If none, sabihin mo willing ako.
@gioleviste @imejaaay: i'm giooo, date ni isabella. back off.
"Didn't knew that Gio has a side like this." Natatawang sabi ni Loise.
"Paayos ng buhok ate girl! Natatapakan na sa sobrang haba!" Sabi naman ni Devi.
"So how did my great brother prompose?"
Naalala ko ang nangyari samin sa mall sa tanong ni Danna. It wasn't the same with other people na with roses and chocolates but it was perfect. Kinwento ko ito sakanila.
"Wow!! Parang katulad sa mga kdrama na pinapanood ko.. Ikaw na talaga Sab!!" Tili ni Devi.
"Puro ka nalang kdrama!" Sabi ni Loise dito.
"Syempre, habang hinihintay ko yung oppa ko. Pinapakilig muna ako nung ibang oppa." Sagot naman ni Devi. Napailing nalang si Loise.
"She's been talking about kdrama non-stop recently. Kinakabahan nako." Bulong sakin ni Danna. Natawa ako dito.
"I think it's normal, maraming baliw sa mga koreano ngayon."
"Maybe you're right. Titigil niya din yan soon pag nagsawa na siya."
"Once you go kdrama, you can never go back." Bulong ko dito.
"Uh creepy." Sabi nito at umiling. I laughed.
