Chapter 16

115 14 15
                                    

Chapter 16

It's the day of their basketball game. I was right nung sinabi ko na hindi magkaklase ang teachers namin ngayon. I am now walking sa hallway ng school na makakalaban namin. Sabi ni Danna ay nasa loob na daw sila ng gym. Hindi pa naman nagsisimula ang laro kaya hindi pa naman ako nagmamadali masyado.

I texted Gio, 'Goodluck!' kanina pag gising ko. Wala siyang text simula pa kagabi, siguro ay pagkagaling sa practice ay natulog siya agad. I decided to buy water for Gio. Alam ko naman na may water siya, gusto ko lang siya bilhan bakit ba.

Sa cafeteria ay pinagtitinginan ako. Siguro ay alam nila na tiga ibang school ako kaya ganon.

"Ate, isang tubig po." Sabi ko.

Aabutin ko na sana ang tubig pero may naunang kumuha nito. Napatingin ako sa lalaking kumuha ng tubig na dapat ay para saakin. He opened it infront of me tapos inubos ito. He is wearing a jersey, so varsity player. Pawis na pawis ito at hininhingal. Kawawa naman pala ito. Binaliwala ko nalang na inagaw niya ang tubig, i asked for another at binigyan naman ako.

"Thanks sa tubig miss." Sabi ng uhaw na uhaw na lalaking 'to. Mabait ako pero di ko siya lilibre 'no.

"Uhm, hindi ko binayaran yan sorry."

"Aw. Damot."

"Damot? Inagaw mo na nga yung dapat sakin pero di ko nalang pinansin kasi nakita ko uhaw na uhaw ka na. Madamot pa ba yon?"

"Wow! Ang bait naman nito. Bakit hindi mo ba sinagad at binayaran yung ininom ko miss?"

Naginhale exhale ako. Deep breath. Kalma lang Isabella.

Naglabas ako ng pera at binayaran yung tubig niya. Ayoko ng makipagtalo pa. Tubig lang naman iyon. Pagtapos ay tinignan ko ang lalaki, nakangisi ito sa akin. Annoying. I rolled my eyes at umalis.

Nang makarating ako sa gym, hinanap agad ng mga mata ko si Gio. Kausap sila ngayon ng coach nila. I looked for the girls, nakita ko ang pagkaway ni Devi. Malapit lang ito kung nasaan sila Gio.

Paglapit ko ay tumili si Devi. Napatingin sila Gio sa gawi namin. I smiled at him and he did too. Mukha siyang pagod. Parang nanghihina siya na ewan. Maybe because of their practice. Isang buong araw ba naman na practice eh.

Nagsimula na ang game. Nagtitilian na ang mga tao. Marami rin ang tiga school namin kaya hindi kami talo sa pagcheer. May pa banner pa ang iba. Puro sa kalaban ang points. Parang wala sa sarili si Gio sa court. Dapat talaga hindi din pinapagod ang players.

Devi and Danna was cheering for our team, si Loise ay busy manood. Nasa free throw ngayon si Gio. Isa ang lamang ng kalaban.

"GO GIOVANNI!!" I shouted. I saw him looked at me. Ngumiti ako sakanya. Hinagis niya ang bola and shoot! Nice!

"Uyy... Kailangan pala ikaw magchecheer para makashoot eh." Asar ni Devi.

Nakita ko sa court yung lalaking uhaw na uhaw kanina. Siya pinakamalakas sa team nila. Siya din lagi ang bantay ni Gio.

Natapos ang game and we won! After that free throw, sunod sunod na ang mga pumasok na tira ni Gio. Ang galing!

Humaba na ang pila ng gustong magpapicture kay Gio at sa ibang players ng school namin. Ang iba ay galing pa sa kalaban na school. Nandito parin kami sa pwesto namin, hinihintay sila. Pakonti na ng pakonti ang tao.

"Artista level!" Sabi ni Devi.

"Papicture naman po kuya!" Asar ni Danna sa kapatid niya.

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon