Episode 1

5.9K 221 17
                                    

August 1, 2017

7:04pm

Marydale: Hello. Pang-1000th messages ko na ata ito sa'yo. Again, ako si Marydale Entrata ng class 4-B, ako ang class representative ng klase natin.  One week kana hindi pumapasok sa school. Bilang class representative, isa sa mga duty ko ang icheck ang mga kaklase ko lalo na iyong mga absent.

7:06pm

Marydale: Baka naman pwede ka ng pumasok sa school oh. Ako kasi ang pinapagalitan ni Mrs. Baltazar eh, kapag hindi ka raw pumasok mapapahamak din ako at ang scholarship ko. Please naman Edward. 😭🙏

7:10pm

Marydale: Alam ko tambak na itong message ko sa archive at filtered messages mo pero may iniiwan akong note sa mailbox ng bahay niyo baka naman pwedeng paki check. It's about accepting my friend request here on facebook. In this way, kung ayaw mo talaga may makausap na tao este physically, baka naman pwede dito?

7:12pm

Marydale: Please? Pumasok kana. Hindi ko naman gusto itong pagiging class representative sadyang binully lang talaga ako nila Devina na ako maging class rep. Para may maging utusan sila. 😔 Makonsensya ka naman pogi oh!


8:23pm

Marydale: Hindi mo pa rin sineseen. Please naman! 😭

9:56pm

Marydale: Dear Bro, Sana po bukas magkaroon ng milagro na kahit hindi na muna siya bumalik sa klase ay sana man lang ma-accept na po ni Edward John "Pogi" Barber ang friend request ko para sa ekonomiya. Amen.

Marydale: Good night classmate 😊

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon