Episode 16

2.5K 184 21
                                    

August 27, 2017
6:26am

Donato: Miridil, nasan kana? Nasa karenderya na ako. 😁

Donato: Good morning nga pala! 😊😘😘

Seen
6:32am

Marydale: HA? Ang aga mo naman! Nasa jeep pa lang ako!

Marydale: Grabeh naman donat!

7:02am

Marydale: Buang ka talaga! 😒 Muntik pa ako mapatid kakatakbo, wala ka naman pala dito

Marydale: nasaan kana huy

Seen
7:03am

Donato: Sorry miridil hahaha ang totoo kakagising ko lang nun hehehe peace

Donato: Papunta na talaga 😂

Donato: Love you!

Donato: Ay na automatic type. haha

Marydale: Puro ka kalokohan! Bilis kana diyan maraming costumers. hehe

Donato: Maaga ka raw natapos sa balutan kagabi?

Marydale: Ay oo 😅 Sinuwerte eh. May nautangan ako donat hehe kaya dahil may utang na naman ako kailangan doble kayod.

Donat: Kung inaalala mo iyong utang mo sa akin, wala na iyon Miridil. 😊

Marydale: anong wala?! Ang laki na ng utang ko sa'yo 😭

Marydale: Hire mo na lang akong utusan mo ng mabayaran ko 😭 Tapos tinutulungan mo pa ako sa pag tatrabaho. grabeh ka donat!

Donato: Buang to

Donato: Wala sa'kin nga iyon. Special ka sa'kin Miridil! no ba?

Donato: Kalimutan mo na kasi utang mo sa'kin. Unahin na lang natin iyong inutangan mo, kanino? magkano?

Marydale: Kay Edward at malaki, 5k 😭😭😭

Donato: Luh

Donato: Kaibigan ba talaga kayo ni Edward? Baka mamaya may kapalit iyan ah. Bayaran ko na iyon, bahala na sa akin ka may utang, wag na sa kanya!

Marydale: Grabeh naman! Inaaway mo na naman si Edward, mabait nga naman iyong tao kahit na medyo suplado talaga! 😊

Marydale: Tsaka wag mo na stressin ang sarili mo sa mga utang ko 😂 Sige na punta ka na dito at nasa cr ako maka chat lang baka sabihin nila may LBM na naman ako haha

Marydale: Bilisan mo donat ah! 😊❤❤

Donato: Hayyyyy! Sige na nga. See you!

--
5:05pm

Marydale: Paulit-ulit Donat pero salamat ulit. Ang laki na ng utang ko sa'yo. 😭 Paano na kita mababayaran? Sabi ko naman sa'yo diba hindi ako magandang maging kaibigan dahil problema lang talaga ang hatid ko sa mga napapalapit sa'king mga tao! Paano na?

Seen
5:12pm

Donato: Okay lang sa akin Miridil. Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa diba? Special ka sa'kin, ayaw mo lang maniwala 😭 Tsaka, kung may problema ka, wag ka naman mahiyang sabihin sa'kin. Ano ba naman na pini-friendzone mo ako, diba? Tsaka masaya ako kung masaya ka. 😊

Donato: Tsaka ayaw kong magkautang ka saiba dahil kilala ko si Edward. Jerk iyon, ayaw kong pati ikaw madamay. Kung pwede nga lang tumutol ako sa pakikipagkita mo sa kanya eh kaso alam ko naman magagalit ka dahil tinuturing mo siyang kaibigan

Donato: Basta andito lang ako, okay? Mag-ingat ka! 😊

**Donato was active 12 minutes ago**

Seen
5:46pm

Marydale: Grabeh ka! 😭 Donat naman, alam mo naman na special ka rin sa'kin pero syempre, alam mo naman ang priority ko sa buhay diba? At oo alam kong alam mo kaya maraming salamat sa pag-iintindi.

Marydale: Ayaw kong paasahin ka pero kung dumating man ang panahon na pwede na, malay natin! 😊 Sa ngayon, salamat sa friendship ha? Sobrang appreciate kita kahit na sobrang nadadamay kita sa mga drama ko. Happy you chose to stay.

Marydale: Hay, tama ka! Kaibigan ko si Edward kahit na ganun ang ugali niya and so far, bungod sa pagsusungit wala naman siyang ginawang masama sa'kin! Tinulungan niya pa nga ako eh. 😊 H'wag kana mag-alala Donatnat!

Marydale: Donat Nasa convenience na pala ako. hehe Thank again for today Donatnat. Andito lang din ako para sayo 😊❤

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon