Episode 22

2.4K 195 52
                                    

August 31, 2017

6:31pm

**Donato is active now**

Marydale: Galit ka 😥

Seen
6:31pm

Marydale: Sorry na donatnat 😭

Marydale: Insensitive ako. sorry talaga. Nahiya ako kasi 😭

Seen
6:33pm

Marydale: Donatnat naman! 😭

Marydale: Seenzoned bai 😞

**Donato is typing**

Donato: First time lang kasi miridil na binalik mo sa akin ang binigay ko na.

Donato: Binigay ko ang phone dahil hindi ko naman na ginagamit. Sayang din

Donato: Pero binalik mo sa'kin kasi may nabili ka ng bago

Donato: Iyong pinambili mo pandagdag para sa nanay mo nalang sana iyon diba? Tsaka pang college. Dinagdag mo na sana sa ipon natin. 😪

**Marydale is typing**

Marydale: Hindi ko naisip 😭 Promise. Alam mo naman kasi Donatnat makapal ang mukha ko pag dating sayo, oo! Pero nakaramdam na rin ako ng hiya lalo na't bukod sa napakaling utang ko sa'yo, tinutulungan mo pa akong makapag-ipon na hindi naman dapat, na talagang nag tatrabaho ka para tulungan ako, tapos binigyan mo pa ako ng cellphone

Marydale: Parang nakaramdam ako na sobra na 😭

Donato: Kaya iyon nga ang masakit eh

Donato: Hindi mo dapat maramdaman sa'kin yan dahil hindi naman tayo iba sa isa't-isa. Magkakilala na tayo ng halos 5 taon. Grabeh naman Miridil 😫

Marydale: Sorry 😭 Hindi na mauulit Donat 😭

Donato: Ibenta mo na lang iyong phone na bigay ko sa'yo tapos dagdag mo sa ipon mo. Please?

Marydale: 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Marydale: Donatnat naman 😭

Marydale: Sorry na!

Donato: Seryoso ako Miridil 😊 Mas importante sa'kin na makapag ipon ka para sa college mo at para sa Mama mo. Okay?

Marydale: Paano ako makakabawi sa'yo? 😭

Donato: Date? 😂

Marydale: Iba din 😒

Donato: Humirit lang total diba nga magkikita tayo sa sabado para maghanap ng pwedeng pang scholarship? Inquire na rin ng school? Ipagpapaalam kita sa Tita ko na absent ka sa karenderya o maghanap tayo ng pwedeng part time tayong dalawa 😂 Okay?

Marydale: Lalagpas langit ka talaga donatnat! 😭

Donato: Hahahahaha 😂 Depende.

Marydale: Ayusin na'tin exam bukas 😊 Fight!

Donato: Kaya yan! Ikaw pa ba? 😘

Marydale: Salamat Donatnat ha? Hulog ka talaga ng langit sa'kin. 😭❤

Donato: Syempre 🤗

Donato: Mag-aral kana. Nagdinner ka na ba muna? Baka mamaya, ginutom ka na naman ng tita mo

Marydale: Wala ako sa tita ko ngayon. 😅

Marydale: Nandito ako sa convenience, mag-aaral ako kasama ko si Edward. Opps before ka mag react, tutor nga kasi diba?

Donato: 😣

Donato: Gabi na Miridil, sino maghahatid sayo?

Marydale: Kanila Edward ulit ako matutulog--hep! Andun naman ang mama niya at may sweldo to! 😁

Donato: Kairita

Donato: Epal din talaga Edward na iyan

Donato: Bobo talaga niyan! Kailangan pa may tutor. Grade 1 ba yan 🙄

Marydale: Graduating na kaso utak grade 1 😂

Marydale: Joke! HAHAHA Sige na donatnat, sabi ni Edward kakalbuhin niya na daw ako at ipapakain sa'kin ang cellphone ko pag nag cellphone pa ako. Aral ka ha? Kain ka na rin.

Marydale: Thank you for everything! 😊❤

Donato: Sige. Ingat ka ha? Masamang tao pa naman kasama mo. Magbitbit ka ng itak sa bag!

Marydale: Grabeh ka! 😬

Donato: EDI JOKE. 😒

Marydale: HAY... Sige naaaa! ❤ Hehehe.

Donato: 😘

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon