Episode 41

2.2K 205 30
                                    

September 14, 2017
6:12am

**Marydale is online**

Edward: What's with your reaction?

Edward: See you sa convenience. MAGHIHINTAY AKO.

Seen
6:13am

Marydale: Bakit mo ni block si donat?!

Edward: Malay ko

Marydale: Ikaw lang nanghiram ng phone ko!

Edward: oh tapos?

Edward: Ang aga Miss Entrata inaaway mo ko ah

Marydale: Bakit nangialam ka ng phone ko at pati si Donat dinamay mo?!!

Edward: Nambibintang ka

Marydale: at nagdedeny ka naman! Hwag ka nga mag sinungaling!😣

Edward: Edi ano ngayon 😏

Marydale: Oh eh so ikaw nga nag block sa kanya?! Bakit Edward uy!! Ni block mo na nga si Miss Elizabeth pati si donat dinamay mo pa!

Edward: bakit ba

Marydale: anong bakit ba?!! Bakit mo iyon ginawa? Alam mo bang nagtatampo si donat sa akin?

Edward: oh tapos?

Marydale: nakakainis ka

Marydale: bakit kailangan mo gawin iyon? Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya!

Edward: Galit kana niyan? Pwede ba? Pwede mo naman iunblock ah. Arte mo

Edward: bilis na diyan! Papunta na akong convenience.

Marydale: ganun nalang iyon Edward?

Edward: o bakit? Ano pa ba 😒

Marydale: Ewan ko sayo. Hindi ako pupuntang convenience! Magkikita kami ni donat. Sa school na tayo magkita!

Edward: pinagsasabi mo

Edward: hihintayin kita dito

Edward: nagiinarte ka naman para napindot ko lang naman iyong block sa account ng jowa mo duh

Marydale: mali pa rin ang ginawa mo!

Marydale: nangialam ka!

Edward: oh edi wow

Marydale: bahala ka

Edward: ano ba?!

Edward: nasa convenience na ako. Bilis na dito

Marydale: Malapit na ako sa school.

Edward: isa!

Marydale: may practice si donat ng basketball ngayon at gusto kong personal na mag sorry sa kanya. Kita nalang tayo sa school

Edward: Paano ako dito?

Marydale: hindi mo alam daan papuntang school? Ha?

Edward: Kingna

Edward: Hwag na nga lang pumasok bahala ka

Marydale: Edward naman! Alam mo naman na masyado na malapit ang play! Pumasok ka

Edward: pag di na ako sumali sa play edi nganga kayong lahat. It's a tie.

Marydale: Wala ka na bang alam na gagawin kundi ang takutin ako para lang masunod ang gusto mo?

Marydale: Sana naman makaramdam ka na naiinis at nagtatampo ako sa ginawa mo kagabi. Hindi ko makukunsinti iyon.

Edward: Para iyon lang?

Edward: Galit galitan ka dahil nagalit at nagtampo sa'yo iyang jowa mong puro nguso mukha? Huh. Edi magsama kayo!

Marydale: Imbis na mag sorry ka ganyan pa iaasta mo? Edi sige. Bahala ka.

Edward: Ang arte mo pagdating sa kanya no?

Edward: Bahala ka rin. Hindi ako mag sosorry, tama lang iyong ginawa ko. ewan!!

Seen
6:36am

Edward: Hoy! Seryoso ba hindi ka darating dito?

6:47am

Edward: Bahala ka na nga

7:24am

Edward: Mag papractice na, ikaw tong wala.

Edward: Damn it.

Edward: Nasaan ka?

Edward: Nakikipag date ka? Ganun?!

8:23am

Edward: Bakit si Devina na ang Juliet?

Edward: Really? You'd really go this far, Miss Entrata?

Edward: Fine.

Edward: Let"s call this even. bahala ka na talaga!!!

Edward: ARTE MO!

--

"Bakit nag withdraw ka bilang Juliet, Miridil? Handa na iyong banner ko eh! Effort sa papuso iyon eh," si Donato

Nasa gym si Marydale at Donato ngayon at nakatambay.

"Hindi ako bagay dun, tsaka, pang backstage lang ang beauty ko kaya itago mo na lang iyan," natatawang tugon ng dalaga habang nakatingin ito sa malayuan.

"Psh. Alam mo naman na kahit anong gagawin mo, nakasuporta ako diba?"

Tumango lang si Marydale sa sinabi ni Donato na tila wala sa sarili.

Napabuntong hininga si Donato, "Matamlay ka pa rin oh! Sorry kung nag-alala ka sa nangyari, naiintindihan ko naman na namali mo lang gawin iyon, okay lang iyon." Sabay abot ni Donato ng pagkain kay Marydale. " Alam mo naman na hindi ko kayang magalit sa'yo, ano ka ba?" Natawa ito.

"Ayusin mo iyong laro mo ha? Dapat galingan mo! Gagawan din kita ng banner!" Ani Marydale na tila paglilihis sa unang naging topic nila, "Sige, babalik na ako sa classroom. Kailangan ko pa asikasuhin ang buong props!" Matamlay na tugon ni Marydale at tumayo ito.

Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kakaibang lungkot sa puso niya. Nagtatampo siya kay Edward at kahit na gusto niyang h'wag na intindihin ang inasta ng kaibigan ay mas pinili niyang turuan na lamang muna nito ng leksyon dahil alam niyang iyon ang mas nakakabuti. Mabigat rin ang loob niyang kinailangan niyang magsinungaling kay Donato tungkol dito, na si Edward naman talaga ang nag block sa kanya at sinadya ito.

Napabuntong hininga na lamang siya sa kinasangkutan.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon