Episode 42

2.2K 224 36
                                    

"Class rep, pinapatawag ka ni Mrs. Baltazar sa office niya," sabi ng kaklase ni Marydale bago pa man siya makapasok sa classroom nila.

"Okay sige. Pakisabi sa mga kasamahan natin ha na mag practice dahil may rehearsal tayo mamaya," sabi nito sa kaklase at tumango lang ito upang sagot sa ibinilin niya.

Naglalakad siya sa hallways na tila wala sa sarili pero narating niya rin naman ang opisina ng kanyang guro.

"Umupo ka Miss Entrata," ani ni Mrs. Baltazar bago pa man siya makapasok sa opisina nito pero nagulat siya sa isa pang tao na nasa loob ng opisina.

Nandito si Edward. Nakaupo ito sa upuan na kaharap ng lamesa ni Mrs. Baltazar. Hindi man lang ito nagpadako ng tingin kay Marydale na ngayon ay nakaupo na rin sa isa pang upuan na kaharapan ng lamesa.

"M-may problema po ba Mam?" Pagtatanong niya. Kinakabahan siya. Anong ginagawa ni Edward dito?

"Totoo bang hindi ka sasali sa play at nag drop out ka bilang bida? Isang linggo na lang ah. Anong kalokohan ito Miss Entrata?!"

Bumuntong hininga siya. Na gets niya na kung bakit andito si Edward, nagsumbong pala ito.

"P-pero, magaling po si Devina mam. Sabi niya kayang kaya niya ang role. Tsaka, gusto po ni Devina ang role, samantalang ako, pilit lang naman po." Pagtugon ni Marydale

"Sinabi ko na kay Mrs. Baltazar na hindi na ako gaganap bilang Romeo. Kung hindi ikaw ang partner ko, then I'm not joining. Maghanap kayo ng bagong Romeo. Or, baka gusto mo si Ngu-- si Donato ang partner mo?! Then he can have the role just don't drop that Juliet role!" Ani ni Edward at talagang may halong pagkainis ang tonado nito.

Nagulat si Marydale at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Bagkus, natahimik na lamang siya.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon