Episode 66

2.8K 217 82
                                    

Hindi mapakali si Edward dahil kanina niya pa hinihintay si Marydale sa classroom nila para mag ensayo sa kanilang graduation song. Kanina pa iyon nag paalam sa kanya na kakausapin niya lamang si Donato dahil nga ay sa nag-aalala ito sa kaibigan na nagtatampo. Ayaw niya sanang payagan pero wala rin naman siyang magagawa.

'Where the heck are you?' ani niya sa kanyang isipan habang madiin na pinipindot ang keys ng kanyang cellphone. Naiirita at naiinis siya dahil kanina niya pa tinatawagan ay hindi niya ma-contact si Marydale. Hindi rin ito online sa messenger na kanina pa niya rin sinisendan ng menasahe.

Napatayo siya't lalabas na sana sa classroom nang bumungad sa kanya si Elizabeth.

"Babe!" masiglang tawag ni Elizabeth kay Edward.

Pilit na itinago ni Edward ang gulat sa sarili pero sumagi na sa kanyang isipan na dahil andito si Elizabeth, hindi malabong nakatagpo nito si Marydale at kinausap.

Namumuo ang galit sa kanyang isipan lalo na't naglalakad palapit si Elizabeth sa kanya.

"I'm here to watch your graduation practice!" nakangising tugon ni Elizabeth at akmang bebeso kay Edward pero umilag lamang ang binata.

Hinawakan ni Edward si Elizabeth sa braso nang mahigpit, "If I were you, I'm going to leave now, fix my things and go back to New York. You have no one to go back here to. Get lost!" mahinang sabi ni Edward na ikinabigla ni Elizabeth.

Bumitaw si Edward sa pagkakahawak sa braso ni Elizabeth at tumakbo palabas ng classroom nila. Gulat ang ekspresyon sa mukha ni Elizabeth sa mga narinig mula kay Edward. Hindi ito makapaniwala sa inasta ng dating nobyo niya at harapan pa mismo ng mga estyudante. Umiiyak siyang tumakbo palabas ng classroom.

Si Edward naman ay patungo ngayon sa gym at nagbabakasakali siyang andoon si Marydale pero papasok pa lamang siya'y nagkasalubong sila ni Donato sa may entrance.

Napatingin siya kay Donato at napansin niyang hindi nito kasama si Marydale.

"L--looking for her?" si Donato at kalmadao naman ang naging tonado nito.

Bumuntong hininga na muna si Edward bago siya magsalita, "Hindi ko siya ma contact." Direktang tugon nito kay Donato

Napaismid si Donato sa narinig, "Nandito na pala si Elizabeth, aware ka naman diba sa maaaring danasin ni Marydale dahil sa kanya? Narinig ko sa iilang estyudante kanina na nakita nilang nag-uusap si Marydale at Elizabeth. What do you think could possibly happen? Malamang hindi naging maganda ang kinalabasan lalo na't Marydale is nowhere!" Pagtugon ni Donato at may halong gigil ang pananalita nito.

Yumuko ng kaunti si Edward. Nakaramdam siya ng pagsisisi sa kanyang sarili. Pakiramdam niya'y nagpabaya siya. Nangako siya na hindi niya pababayaan si Marydale pero hindi niya iyon natupad.

"D--do you possibly know where she is?" Tanging naging tanong ni Edward.

"I know a place pero hindi ako sure this time." Simpleng tugon ni Donato. "Pupuntahan ko siya, ako na muna ang bahala." Dagdag nito, agad tumalikod at naglakad papalayo kay Edward.

Nakailang hakbang na si Donato pero nilingon niya pa rin si Edward para pagmasdan ito.

"Gusto mo sumama?" Tanong niya kay Edward na agad naman tumango si Edward, "Can't effin believe I'm doing this pero tara!" Tugon niya.

Agad sumakay si Edward sa sasakyan ni Donato at sumama na nga siya para hanapin si Marydale.

Tahimik ang byahe. Walang sino man sa kanila ang nagsasalita ng ilang minuto pero binasag na rin ni Donato ang katahimikan nilang dalawa ni Edward sa sasakyan.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon