Episode 52

2.3K 212 48
                                    

"Edward, maganda ba?" Ani Marydale na ngayon ay nakabihis na at may make up nang nakalagay sa kanyang mukha para sa gagawing play.

Handa na siyang gampanan ang kanyang role bilang si Juliet sa sikat na nobela ni William Shakespear na Romeo & Juliet. Una man ay hindi niya ninais na maging kasama sa play na ito't gusto niya lamang sa props comittee ay hindi siya napaunlakan dahil napagkatuwaan siya ng kanyang mga kaklase sa role na bida.

"Edward?" Pag tawag niya muli sa pangalan ng lalaking nakatitig lamang sa kanya, "Okay ba iyong make-up ko? Hindi ba masyadong makapal? Baka mamaya nag mukha akong clown!" Tila nahihiyang tugon  ni Marydale kay Edward.

"Okay na 'yan. Wala naman nagbago." Simpleng tugon ni Edward at inialis na nito ang paningin sa dalaga.

Napabusangot na napatingin muli si Marydale kay Edward, "Grabeh naman! Mas kinabahan tuloy ako sa'yo! Hindi ba pwedeng mag comment ka ng totoo? Please?" Pangungulit ni Marydale

Napabuntong hininga na lamang si Edward na tila hindi siya interesado sa sinasabi ni Marydale pero nilingon niya pa rin ito.

"Maganda ka." Diretsong tugon niya, "Okay na?" Sabay ismid nito.

Napanguso muli si Marydale sa narinig mula kay Edward, "Grabeh siya! Edi pangit!"  Tugon nito at tumahimik na lamang na pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

"Class rep! May naghahanap sa'yo!" Pag sigaw ng isang kaklase nila.

Napalingon naman agad si Marydale at nakita niya sa may pintuan si Donato kaya agad niya itong pinuntahan.

"Donat! Akala ko ba sa likod ng audience kita mahahanap mamaya? Bakit andito ka, hindi pa kami nagsisimula ah!" Natatawang sita niya sa kaibigan.

Napakamot si Donato sa kanyang batok na tila nahihiya ito, "Ehh-- w-wala lang! H-hindi na kasi ako mapakali at talagang kinakabahan ako! Pero syempre, good luck Miridil ah!" Tugon nito.

Napangisi si Marydale sa narinig, "Grabeh, nakailang good luck kana ba?" Natawa ito, "Salamat Donat! Gagalingan ko!"

"That's my Miridil! Alam kong kayang kaya mo 'yan! Tsaka, ang gand--"

"Juliet, let's go. Your Romeo is waiting." Biglaang sabat ni Edward, "And as for you, audiences are not allowed here. Go back to your place and prepare your hands, you might need them to cover your big mouth--I mean to clap." Tugon nito kay Donato at bahagyang natawa.

Napaismid si Donato sa narinig mula kay Edward at akmang gaganti na sana.

"Sige na Donat! Balik kana!" Pakalmang tugon ni Marydale sa kaibigan, "Iyong cheers mo ha? Ready mo na iyon!" Dagdag niya't may halong kinakabahang tawa pa ito.

Tumango na lamang si Donato pero may bahagyang I'll-get-even-to-you look itong ipinukol kay Edward pero ginantihina lang ito ng whatever-loser na ngiti ni Edward.

Pagkaalis na ni Donato ay agad naman napatingin ng masama si Marydale kay Edward. "Ikaw talaga! Muntik na naman iyon ha, hay! Tara na nga dun." Sabay hila nito kay Edward sa may braso.

"Psh. Totoo naman iyong sinasabi ko ah. He needs to know where his place is. Tsaka, ayaw kong nakikita siyang kasama mo." Direktang tugon ni Edward

"E--eh?" Nauutal na tugon ni Marydale


"Stand by na tayo! Get ready!" Pagsigaw ng kanilang direktor dahilan ng hindi na pagpansin ni Edward sa naging reaksyon ni Marydale.

Nasa likod na sila ng napakalaking kurtina at inihahanda na ang mga sarili sa gagawing play. Kalmadong naghihintay lang si Edward sa pagsisimula ng play ngunit si Marydale ay hindi na mapakali.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon