Episode 5

2.9K 197 58
                                    

August 18, 2017
5:21am

**Edward Barber online 2 hours ago**

Marydale: Good morning ! 😊

Marydale: Okay lang. Nakalimutan mo pala hehe

Marydale: Online ka kasi sa messenger kaya nag chat ako nang chat sayo pero nakalimutan mo pala. ok

Marydale: 😊

Marydale: Ahm, friday na ngayon, sana sa monday pumasok kana. Last chance ko na rin to, kung hindi ka papasok mawawala na ang scholarship ko dahil ibabagsak talaga ako ni Mrs. Baltazar. Hindi ko alam pero ang malas ko talaga sa pagiging class representative 😂 Siguro kaya binoto ako ng mga classmates natin para ata pag may nagawa akong kamalian ay madali nila mapapaalis ang isang hampaslupang katulad ko 😂😂 Eh paano asado lang sa scholarship.

Marydale: Pero dahil may last chance pa naman, aasa pa rin ako na makikipagkita ka talaga sa'kin. Dadalhin ko iyong mga notes para may mapag-aralan ka. 😊

Marydale: By 5:00-6:30pm lang ako maghihintay Edward ha? Buti nalang kasi nakahabol ako sa jeep kagabi, last trip na kasi 😅 Have a nice day!

Marydale: Pwede ka rin mag reply para malaman ko na pupunta ka ba o hindi kasi ihahatid ko na lang sa bahay niyo ang notes. 😊

Marydale: Sorry talaga kung ang kulit ko ah. ✌

Marydale: Punta na ako sa school. Bye 🙂

-
Seen
2:42pm

**Edward Barber is online**

Marydale: Hello? Tutuloy ka mamaya?

Marydale: Sa convenience pa rin.

Seen
2:43pm

**Edward is typing**

**Edward is typing**

Edward: Ok sige

Marydale: OMG!!!

Marydale: Thank you!!

Marydale: 😭

Edward: Don't message me, I'm playing!

Marydale: okay sige! 😒

Marydale: **😊 kasi yan

4:57pm

**Edward is online an hour ago**

Marydale: Dito na ako sa convenience 😁 Nakaschool uniform ako, mahaba ang buhok na naka ponytail at naka uniform. Dito sa may tapat ng poster ng halo-halo! 😊

5:17pm

Marydale: Coming kana? 😊

5:38pm

Marydale: Edward?! he he he he

Seen
5:40pm

Edward: WAIT NAMAN.

Marydale: Okay. Sorry

6:03pm

Marydale: San kana? :)

Marydale: In 30 minutes uuwi na ako

Marydale: Please mag message ka sa kin.

6:21pm

Marydale: Hindi mo na naman ata ako sisiputin. Week end na bukas :(

Marydale: Sana sa monday pumasok kana. Maawa ka sana sa akin please 😭

Seen
6:22pm

Edward: Nasa harapan mo na! 😒

Seen
6:22pm

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon