Episode 57

2.3K 211 21
                                    

September 22,2017

6:12am

Marydale: Good morning Edward. Pasensya kana hindi ako makakasabay sayo ngayon ha? May kailangan kasi akong puntahan bago makapunta sa school eh. Sige. Ingat

**Marydale was active 32 minutes ago**

Seen
6:46am

Edward: Nasaan ka?

Edward: Pupunta ka naman ng school diba?

Edward: Kita nalang tayo sa school.

-
12:32pm

**Marydale was active 3 hours ago**

Edward: Nasaan ka?

Edward: Bat di ka pumunta ng school?

Edward: May problema ba?

--

04:21pm

**Marydale was active 1 hour ago**

Edward: Pumunta ka naman daw ng school pero hindi naman kita nakita. Nag oonline ka rin pero hindi mo man lang sinasagot ang mga messages ko. Kahit mag seen di mo magawa?

Edward: Kasama mo jowa mo no? Bawal istorbo? 😏

Edward: Kasama mo nga 😎 Okay.

Edward: Sorry sa isturbo 😅

--

Naglalaro si Edward kasama ang mga kaibigan sa gaming place gaya nalang nang nakagawian.

"Kingna Edward pare, anong problema? Wala ka pang panalo ah." Tugon ng kaibigan

Napasandal nalang si Edward sa kanyang silya at pansamantalang itinigil na muna ang paglalaro.

"Nagkakaganyan ka lang kung may problema sa pamilya o di kaya sa jowa ah. Anong problema? May jowa ka ba ngayon? Nag away kayo?"

"Oh? May jowa ba itong Edward na 'to? Akala ko ba break na sila ni Elizabeth, pre?"

"Hindi si Elizabeth! Iyong babaeng dinala dito niya noon nung laro niya. Tanda niyo ba? Iyong payat at simple."

"Oh iyon ba? Nag-away kayo pre?"

Napabuntong hininga si Edward matapos niyang marinig ang mga pinag-uusapan ng mga kasamahan.

"Tigilan niyo nga ako. Okay lang ako." Sabi nito ng walang kabuhay-buhay, "Laro pa tayo," sabi nito.

Natawa ang mga kaibigan niya.

"Sigurado ka ba? Eh kanina ka pa nga natatalo pre! Kung may bet lang 'to matagal ka ng talo. Nasangla muna bahay niyo!" Nagtawanan sila.

Napasandal na naman si Edward sa kanyang upuan habang tumitingin ng update pictures ni Marydale sa facebook. Online ito pero hindi binabasa ang messages niya.

Sa mga litratong nakikita niya, nakikita niyang magkasama si Donato at Marydale at namasyal sila. Nag mall.

Umismid siya.

"Oy diba si Donny 'yan?" Tanong ng isang kasamahan, "at kasama niya ang jowa mo?" Dagdag nito

Agad niyang isinara ang facebook account niya, "Kingina, maglalaban na naman ba kayo sa isang babae? Akala ko ba jowa mo na iyan?"

"Pwede ba, h'wag niyo nga ako pakialaman!" Sita niya sa mga kasamahan.

"Alam ko na!" Natatawang tugon ng isang kasamahan nila, "Selos lang iyan pre!" Natahimik ang mga kasama niya pero maya-maya ay nagtawnan sila nang malakas!

Napakamot naman ng batok si Edward at napatayong umalis na lamang ito ng game house. Walang kibo-kibo sa mga kasamahan.

Naglalakad siya ngayon kahit saan nalang. Wala siyang dalang kotse kaya bahala nalang kung saan siya dalhin ng mga paa niya.

Nag-aalala na naman siya sa mga inaasta ni Marydale, iniisip niya kung may mali ba siyang nagawa kahit na alam niya naman sa sarili niya na wala siyang nagawang ikakagalit ni Marydale. Hindi siya mapakali.

Bumuntong hining siya at pumara ng jeep. May kailangan siyang puntahan dahil kung papalampasin niya at ipapabukas ang lahat, magiging problema nila iyon.

Nasa labas na siya ng bahay nila Marydale ngayon. Balak niyang hintayin dumating ang dalaga sa pag-uwi nito.

"Salamat Donat ha?" Rinig niyang tugon ng isang pamilyar na boses kaya nag tago ito.

"Walang anuman, alam mo naman na lagi akong nandito. H'wag muna masyadong isipin iyong sinabi ni Elizabeth sa'yo. Kakausapin ko siya okay? Hindi kita pababayaan." Si Donato ito at nakita ni Edward na bahagyang ginulo ni Donat ang buhok ni Marydale.

"Salamat talaga Donat, ha? H'wag kang mag-alala, hindi na ako malulungkot at sasabihin ko saiyo agad kung ano na mangyayari."

Nagpaalam na si Marydale kay Donato at ngayon ay naglalakad na ngayon papasok sa iskinita si Marydale.

"Miss Entrata," pagtawag ni Edward kay Marydale.

Napalingon naman si Marydale kay Edward at sobrang nagulat ito.

"E--edward," pagsambit ni Marydale.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon