Episode 32

2.5K 238 97
                                    

September 8, 2017
6:03am

Marydale: Good morning Edward. Nasa labas ako ng bahay niyo. hehe

Marydale: Take your time kung tulog ka pa. Basta ba pag gising mo alam mong andito ako. 😊

Marydale: Andyan sasakyan mo sa grahe kaya alam kong andyan ka. hehehehehe

Marydale: Sorry na. Labas kana kaya diyan.

Marydale: Ay mali, take your time nga pala. Geh, tulog lang ser!

-

8:02am

Marydale: Edward, nagkita kami ng mommy mo sa labas ng bahay niyo. Sabi niya sa'kin sinuwerte daw ako ngayon kasi nasa bahay ka at tulog pa. H'wag ka magalit kung gigisingin ka ng mommy mo ah. Sinabi ko sa kanya na h'wag ka isturbohin pero kaso h'wag daw ako mag-alala.

Marydale: Pinapasok niya ako pero humindi ako dahil baka mas lalo kang magalit at tresspassing! 😊

Marydale: Naisip ko hindi rin naman kita pinapasok sa bahay ng tita ko hehehehehehehe

Marydale: Tulog ka pa.

-
Seen
9:30am

Edward: Alis

Marydale: 😭😭😭😭😭😭😭 Finally!

Marydale: Kahit tinataboy mo ako happy pa rin ako kasi nag reply kana. Namiss kita ah! 😭 Bati na tayo please?

Edward: What the heck are you doing outside?!

Edward: Layas na! I don't want to see you okay? Alis na may dota game ako ngayon pag na late ako I'm gonna kill you.

Marydale: Bati na tayo please?

Edward: Go away.

Edward: If this is about your scholarship then I'm telling Mrs. Baltazar to spare you and save your scholarship. Decided na ako, I'm not going to school anymore. You can't make me change that.

Marydale: Isang buwan nalang 😥

Edward: Walampake!

Edward: UMALIS KANA!

Marydale: Ano bang nagawa ko?

Marydale: Dahil ba sa comment ko? Hindi ko na uulitin iyon. Sorry na talaga. Kung kailangan na araw-araw akong mag sorry sayo, gagawin ko. Please, pumasok kana?

Edward: The heck with you! You're annoying me! Can't you sense? I don't want to see you! Ano bang hindi malinaw sayo Miss Entrata?!

Marydale: Kung bakit ganito ka...

Marydale: Okay naman tayo Edward ah, bakit bigla ka nalang nagalit sa'kin? Anong nagawa ko? 😭

Edward: I don't want you in my life. You're annoying.

**Marydale is typing**

**Marydale is typing**

Marydale: Bakit? Ikaw hindi ka annoying? Ni hindi ko naimagine na ganito ako sa'yo at kung kanino man. Pipilitin intindihin ang isang taong malabo! Pero Edward, kaibigan tayo at hindi lang dahil sa scholarship na iyon kung bakit nandito ako. Kahit kakakilala pa lang natin ay sa kaunting panahon na iyon naging masaya ako kasi nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa kataohan mo. Hirap akong magkaroon ng kaibigan alam mo iyon. Ang kahirapan ko ay parang sakit sa iba nating kaklase na ayaw nila akong makausap at wala silang ibang tingin sa'kin kundi isang alipin. Kaya masaya ako na dumating kayo ni Donato sa buhay ko bilang mga kaibigan. .

Edward: Stop with your drama I'm no longer buying that shit.

Edward: You're only good with words Miss Entrata but never in actions.

Marydale: Iyong galit mo nakakalungkot. 😔

Marydale: Ano bang nagawa ko na parang halos isumpa mo na ako? Ano bang kailangan ko sabihin sa'yo na para hindi mo ako masabihang OA, PABEBE, MADRAMA, MAARTE at di mo Minumura? Baka naman pwede mong sabihin sa akin?

Marydale: Gusto ko lang makatulong, gusto ko lang na itreasure ang pagkakaibigan natin pero hindi ko rin naman ipipilit iyon pero sana lang pumasok ka. Sasaya ang mommy mo pag nangyari iyon 😊

Edward: Stop. Just go away!

Marydale: Okay sige. Aalis na ako. Sorry sa isturbo at sorry din kung ang kulit ko. Maraming salamat sa lahat ha?

**Marydale is typing**

Marydale: Pag nakahanap ako ng magandang trabaho, babayaran ko na ang lahat ng utang ko sa'yo. Ayaw ko naman na pati iyon maisumbat mo. 😅 Tsaka iwan ko na rin itong cellphone mo. Medjo matagal kita mababayaran pero babayaran kita. 😊

Marydale: Salamat Edward naging masaya ako sa sandaling friendship na tin.

Marydale: Iunfriend mo na rin ako sa facebook at iblock mo na ako, o ako na lang gagawa? 😊 ay wag na pala, Ikaw na. ☺

Marydale: Sige. Salamat, ibigay ko lang 'to sa mama mo ang cellphone mo ha. salamat ulit

Marydale: Bye 😊

--

Naglalakad si Marydale palayo at umiiyak ito. Hindi niya lubos maisip bakit nasabi iyon ni Edward. Nasaktan siya.

"Sumama ka sa'kin." tugon ng isang lalaki at bigla siyang hinawakan sa kanyang kaliwang braso at bahagyang kinaladkad.

"E-Edward!" pag sambit niya ng pangalan ng lalaking nakahawak sa kanya. "S-saan tayo pupunta?" pag tanong niya ngunit hindi ito lumingon sa kanya at patuloy lamang sa paglalakad hawak siya.

Hindi na lamang pumalag si Marydale at sumama na lamang ito kay Edward.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon